Her Crush - Chapter 2: Can't Focus

5 2 0
                                    

Diana's Point of View


Haist.. Hindi ko masabi kela Finis, at Nonaka. Lalong lalo na sa pinsan ko, tsaka..


"Alam mo ba yung kapalit na doctor sa Clinic ay isang gwapong lalake?"


"Oh my gosh, araw araw na ako pupunta sa Clinic, at magsasakit-sakitan."


Ano ba naman mga kabataan ngayon.


Noong High School pa ako, ginagawa ko puro pagaaral, o kaya magbabasa ng mga nobela.


Haist..


"Osha, magsisimula na tayo magklase." sabi ko.


"A-andyan na pala si Ma'am Diana." gulat nila.


Haist.. Hirap talaga kapag puro tsismis inaatupag ng mga estudyante ngayon.


Dumating ang uwian ng mga estudyante, kakatapos ko i-check ang mga assignments ng mga estudyante. Naginat ako sa pagod. Napansin ko na gabi na, tinignan ko yung oras, nagulat ako na malapit na mag 10pm.


Mukhang napasobra ako sa pagtrabaho.


Paglabas ko ng Faculty Office ay nagulat ako na nakaabang si Jude sa akin. Nakasandal sya sa pader, at tumingin sya sa akin.


"Ang tagal mo." sabi nya.


"Hindi mo naman ako kailangan hintayin." sabi ko sa kanya.


"Hindi ka pa din nagbabago." sabi nya, at hinawakan nya ang aking bewang, at nagsimula na kaming maglakad.


"S-sira ulo ka ba, bitawan mo nga ako." sabi ko.


"Parusa mo 'yan, dahil ang tagal mo." sabi nya.


Dapat masaya ako sa mga oras na ito, kaso yung ginagawa nya may halong kamanyakan.


"Ang laki ng pinagbago mo, noong High School tayo hindi ka masyado nagsusuot ng mga pambabaeng damit, at hindi masyadoo nagme-make up. Ngayon, lalo pa akong nainlove sa'yo." sabi nya.


"Ewan ko kung ano kinain mo, itigil mo na 'yan. Kung ayaw mo masaktan." sabi ko, at sinara ko ang aking kamao.


Bumitaw sya sa paghawak nya sa aking bewang, at tinago na nya ang kaliwa nyang kamay sa kanyang jacket.


"Nagiging palaban talaga ang mga babae kapag minamanyak sila ng lalake." asar nya sa akin."Tumahimik ka nga." inis na sabi ko sa kanya.


"Mananatili ka ulit sa akin, wala nang nagbabiyahe na tren sa ganitong oras." sabi ni Jude.Bigla tumigil ang oras ko sa sinabi nya. Mananatili ulit ako sa kanya.


"Mukhang matutuloy na natin iyon." nakangisi nyang sabi.


Gusto ko tuloy lumipat ng ibang school na mapagtuturuan ko.


"Mananatili ako, basta wag kang gagawa na hindi ko magugustuhan." sabi ko sa kanya.


At ayon, 2 araw na ako nanatili sa kanyang Condo. Habang tinetext ko sina Mama na hindi muna ako makakauwi ngayon ay napansin ko na kakalabas ni Jude sa banyo.


"Dito na ako matutulog sa sofa." sabi ko.


"Hindi maaari iyon." sabi nya, at nilapitan nya ako. "Gusto mo ba magkasakit?" tanong nya sa akin.


"Sanay naman akong matulog sa sofa namin sa bahay kapag tinatapos ko ang trabaho ko." sabi ko.


"Hindi pa din pwede." sabi nya, at bigla nya akong kinarga papunta sa kanyang kwarto.Pinahiga nya ako sa kanyang kama.


Napapikit na lang ako, kinakabahan ako sa mangyayari.


Pero, pagdilat ko ay nagulat ako na humiga lang sya sa aking tabi. Tulad ng ginawa nya kagabi.


"Maaga pa tayo bukas." sabi nya, at ipinikit ang kanyang mga mata.


Napansin ko na kapag matutulog sya palagi syang nakahubad. Tsaka, hindi ko mapigilan tignan katawan nya. Ang kisig talaga ng katawan ng isang lalake.


"Natuturn-on ka na ba sa akin?" tanong nya sa akin.


"Matulog ka na nga." inis na sabi ko.

Styx-O Romance StoriesWhere stories live. Discover now