Sheena's Point of View
"B-bakit ka andito, at paano nalaman na dito ako nakatira?" tanong ko kay Kenshin.
"Ano ka ba, edi sa Graduation Album." sagot nya.
"Ahh.. E-eto andito ka ba para pagsamantalahan mo ako?" tanong ko sa kanya.
Hanggang ngayon naaalala ko pa din. Pangalawang beses na namin nagawa iyon. Tapos, tapos, tapos.
"Sira ka ba, andito ako para yayain kitang lumabas." sabi nya.
"Alam ko na yan, pagkatapos ng date mangyayari din ulit 'yon." matamlay na sagot ko.
"Bakit, satisfy ka naman, tsaka nagustuhan mo naman eh." nakangisi nyang sabi.
"A-anong sinasabi mo?!" gulat ko.
"Heh, namumula ka edi ibig sabihin gusto mo." pagmamayang nya.
"H-hindi no!"
"Oo kaya, kaya lumabas ka na dyan!" sigaw nya, at hinila nya ako.
"Sandali lang, magbibihis ako!"
Lumipas ng 5 minuto ay natapos na ako magbihis ng damit, at lumabas na ng apartment. Hindi ko alam kung ano ang balak nya ngayong araw na ito. Kaya, aalamin ko na lang kung bakit nya ako sinama kung saan man sya pupunta.
Habang naglalakad kami ay nagulat ako na hinawakan nya ang aking braso.
Agad ko hinila ang paghawak nya sa akin.
"Sumakit ba yung braso mo noong tinapos mo yung trabaho ko?" tanong nya sa akin.
"Nakaramdam ako ng onti, pero okay na." sagot ko.
Nagulat ako na hinawakan nya ang aking kamay, at tumingin sya sa kalsada.
"Pasensya na sa ginawa ko sa'yo noong high school." pagpaumanhin nya sa akin.
"K-kinalimutan ko na iyon, tsaka wag mo na ipaalala 'yon. Lalo akong naiinis eh." inis na sabi ko.
"Sarap mo talaga pagtripan, at saka.. lalo akong natu-turn on sa'yo." sabi nya sa akin.
"Inaatake ka nanaman ng kamanyakan mo, tsaka itigil mo 'yang kalokohan mo sa akin. Ang dami-daming babae dyan, ako pa napili mong pagtripan." inis na sabi ko.
"Hindi trip yung ginawa ko sa'yo pagkatapos ng kasal ng kaibigan mo." sabi nya sa akin.
"Ibig sabihin, first time mo 'yon?" tanong ko sa kanya.
"Parang ganon na nga." nahihiya nyang sabi.
"Eh anong sinasabi mong reference?!"
"Kasama na din 'yon, para maka-experience din naman."
Pagdating namin sa Bookstore ay pinuntahan agad ni Kenshin ang bagong released ng libro. Agad sya kumuha ng isang libro at napangiti sya.
May nakalimutan akong itanong sa kanya.
"May itatanong ako, bakit naisipan mo maging illustrator?" tanong ko sa kanya.
"Dahil hindi mo natupad ang pangarap mo, ako ang tutupad sa pangarap mo." bulong nya sa akin.
"Eh?" gulat ko.
"Kung hindi ka naniniwala, ayos lang. Alam ko naman galit ka pa din sa akin." sabi nya.Pagkatapos nyang bayaran ang libro ay lumabas na kami sa Bookstore at dumiretso sa Fast Food.
"Kaya niyaya kitang lumabas ay nagpapasalamat ako na tinapos mo yung deadline ko." sabi nya sa akin.
"W-wala iyon." sabi ko.
Habang kumakain kami ay sobrang bilis ng tibok ng puso ko dahil nasa harapan ko sya. Bakit ba ako nagkagusto sa bully na ito?
D-dahil ba noong-- Ah! Itigil mo yung iniisip mo.
"Sheena, seryoso ako na may nararamdaman ako sa'yo." sabi nya sa akin.
"A-alam ko." mabilis ko na sagot.
"Ibig sabihin ay--"
"Aalamin ko muna kung paano ako nagkagusto sa'yo." sabi ko sa kanya.
"Dahil sa ***." nakangisi nyang sagot.
"H-hindi kaya!"
"Namumula ka eh, ibig sabihin ay iyon ang dahilan."
"Sabi ngang hindi eh!!"