Erika's Point of View
Meron akong nagustuhan na lalake, ang pangalan nya ay Jiro Saotome. Sya ang unang lalakeng nagustuhan ko, inamin ko sa kanya na may nararamdaman ako sa kanya. Pero, hindi ako agad sumuko noon.
Lumapit ako sa kanya para malaman ko ang kanyang pagkatao.
Pero, habang tumagal ay na-realise ko na pinapagod ko lang oras ko sa lalakeng hindi magkakagusto sa akin. Kaya tumigil na lang ako.
Ako si Erika Shigure, 25 years old, isang unemployed.
5 taon nang naghahanap ng trabaho, pero wala pa ding swerte na tanggapin ako sa trabaho. Anong kulang? Lahat naman sinabi ko sa mga tanong nila.
"Haist.." buntong hininga ko.
"Tita Erika!" tawag sa akin ng pamangkin ko.
"Bakit may problema ba?" tanong ko sa kanya.
"Sabi ni Mama malungkot ka nanaman." sabi nya.
"Erika kamusta paghahanap?" tanong Ate Chan Li sa akin.
"Wala, gusto ko nang sumuko." malungkot na sabi ko.
"5 taon ka nang naghahanap ng trabaho, ang mga tao ngayon pagdating sa trabaho mga ka-close lang nila ang tinatanggap nila." sabi ni Ate Chan Li sa akin.
Tama si Ate Chan Li.
"Eto, pumunta pala si Mao dito. Pinapaalam nya na may Reunion kayo mamaya." sabi ni Ate Chan Li sa akin.
"Ehhh.. Wala akong oras sa ganyan." sabi ko.
"Isang beses lang magaganap 'yan." sabi ni Ate Chan Li sa akin.
Kinagabihan.
Nagpunta ako sa aming Reunion, agad akong niyakap ni Mao, dahil namiss nya ako ng sobra. Wala pa din nagbago kay Mao. Tapos, lumapit din sa amin si Mary. Isang professional photographer na si Mary, pangarap nya talagang maging photographer.
Pagupo namin sa reserved seats ay agad ako kinuhaan ng litrato ni Mary.
"Oi." inis na sabi ko sa kanya.
"Pasensya na, miss na kita eh." sabi ni Mary.
"Kyaaaaa!" tili ng isa naming kaklase.
"Oh si Jiro Saotome." gulat ni Mao.
Nagulat ako na si Jiro pala yung naka-shade na itim. Tapos, pang-model ang suotan. Sikat pa din sya sa mga babae kahit kailan.
"Model trabaho ni Jiro, kaya sobrang gwapo nya eh." sabi ni Mary.
"Eh, Model?" tanong ko.
"Ano ka ba, diba gusto mo sya? Dapat alam mo 'yan." sabi ni Mary.
"Ahaha.. Dati lang 'yon, pero ngayon wala na." sabi ko.
Hanggang ngayon meron pa din.
"Kung ikaw kaya maghabol ng 3 taon sa lalakeng gusto mo. Pero hindi ka naman nya talaga gusto." sabi ni Mao.
Tama naman si Mao, tama lang ginawa ko.
"Eto, kamusta may trabaho ka na ba?" tanong ni Mary sa akin.
"Ano ba 'yan, wag nyo na nga itanong sa akin 'yan. Suko na ako sa paghahanap, wala naman tumatanggap sa akin, mas mabuti na lang maging babysitter ng anak ng ate ko." reklamo ko, at ininom ko ang isang bote ng beer.
"Forever Unemployed." asar nila sa akin.
"Anong sabi nyo! Kapag ako nagka-trabaho humanda kayo sa akin!" sigaw ko sa kanila.
Lumipas ang mahabang oras ay natapos ang Reunion namin. Sina Mary, at Mao ay sabay na umuwi tapos sumakay na sila sa Taxi.
Ako naman ay naglakad na pauwi, ang sakit ng ulo ko, napa-sobra ata inom ko ng alak. Matagal-tagal na din ako hindi nakainom kaya biglang sumakit ulo ko.
Hindi ko na kaya maglakad, wala nang bus sa ganitong oras, at malayo pa lalakarin ko.
"Haist.. Hanggang ngayon tanga pa din ako." sabi ko, at umupo ako sa Bus Stop sabay nagmukmok.
Wala na nga akong trabaho, ganito pa din ang ugali ko.
"Oi." tawag sa akin ng pamilyar na boses.
"Eh?" pagtataka ko, at tinignan ko kung sino.
J-jiro?! B-bakit sya andito?
"Ayos ka lang?" tanong nya sa akin.
Biglang nawala yung sakit ng ulo ko na makita ko sya.
"A-ayos lang, ahahahaha!" tawa ko, at agad ako nagmadaling umalis.
Biglang bumilis tibok ng puso ko na makita ko sya ulit.
"Hindi pwede Erika, pinangako mong lumayo ka na sa kanya." sabi ko sa aking sarili.