Kishi's Point of View
Kakauwi ko lang galing sa meeting sa trabaho.
Taginit na pala ngayon.
Pagpasok ko sa loob ng aking kwarto ay sobrang lamig. Pinaandar pala ng babae na ito ang aircon. Siya lang ang nakagamit ng aircon sa kwarto ko.
"Patayin mo nga yung aircon." sabi ko.
"Mamaya na." sabi nya habang papikit-pikit sya.
Naalala ko, ilang araw sya kulang sa tulog. Napapansin ko na nagigising sya ng madaling araw, tapos.. b-baka isa syang aswang.
"Gusto mo tulungan kita sa pagtulog mo?" tanong ko sa kanya.
Bigla syang nagulat, tapos bigla namula ang kanyang pisngi. Ngayon ko lang sya nakitang ganyan.
"Wag ka magisip ng kung ano." sabi ko, at hinubad ko ang aking damit, at nagpalit agad ako.
Pagkatapos kong magbihis ay agad ako tumabi sa kanya, at hinila ko sya papalapit sa akin, at niyakap ko sya ng mahigpit. First time ko lang ginawa ito sa isang babae. T-tsaka, ehem..
"Wag mo na pilitin sarili mo." sabi nya.
"Ayokong hindi nakakatulog ang mapapangasawa ko." sabi ko.
Hindi na sya umimik.
Mga ilang oras ay narinig ko na nagsasalita sya.
"Kaya nilalayuan ko si Kishi dahil ayokong magkagusto sa kanya." sabi nya.
E-eh, nagsasalita syang tulog?
"Dahil, ayoko sya mawala sa mundo na ito. Tulad nila Mama, Papa, Lolo, at Lola." sabi nya. "Kaya namatay silang apat, dahil sa akin. May sumpa ako, kapag may minahal akong tao.. nawawala sila sa harapan ko. Iniiwan nila ako." dagdag nya.
Yun lang yun?
Natatakot sya.
Naintindihan ko na din sya. Kaso, kinakain sya ng pagiging negatibo nya. Gagawa ako ng paraan para mawala iyon. Dahil, unting-unti na akong nahuhulog sa kanya.
Una kong kita sa kanya, feeling ko sya na talaga ang babae para sa akin. Kaso, madaming pagsubok.
Pero, gagawin ko ang lahat para mawala ang takot nya.
Kinaumagahan.
Pagdilat ng aking mga mata ay bumangon ako, at naginat. Tapos, napatingin ako sa aking ibaba.
D-diyos ko..
Napatingin ako kay Nikki, sobrang sarap ng tulog nya. Tumalikod muna ako, at pumikit saglit.
Ewan ko bakit ganito palagi ang mga lalake sa umaga. Eh wala naman akong minamanyakan na babae.
Meron ba?
Lumipas ng ilang oras.
Habang nagbabasa ako ng mga libro sa library ay nakita ko sya na nagcocompute ng mga Grades ng mga estudyante nya. Hindi nya ako napansin na pumasok sa library.
Mas mabuti na 'yon baka magalit sya sa akin.
Dumating ang gabi.
Tulog na ang lahat, sya na lang ang natitirang gising. Nasa Library pa din sya, hinatidan na sya ni Tsugi ng hapunan. Bale doon na lang sya kumain ng hapunan.
Ganon ba kahirap maging guro?
Hindi ko natanong si Sanae, kaso bihira lang kami magusap noon busy sa trabaho.
Tinignan ko yung oras, malapit na magmadaling araw.
Agad ko sya pinuntahan sa Library.
Pagpasok ko ay nakita ko na patulog na sya.
Agad ko sya nilapitan, at hinawakan ang kanyang kamay. Agad sya nagising, napatingin sya sa akin.
"K-kaya ko pa." sabi nya.
"Hindi mo na kaya, may bukas pa naman. Magpahinga ka na." sabi ko.
"Kaso hindi ko pa tapos." sabi nya.
"Makinig ka sa akin." sabi ko sa kanya.
Pagtayo nya ay nakaramdam sya ng hilo. Agad ko sya inalalayan, at kinarga, yung mga mata nya papikit na, halatang inaantok na sya. Hindi nya kaya magpuyat.
"Matulog na tayo." sabi ko sa kanya.