Mina's Point of View
"Ano, magreresign ka na?!" gulat ni Boss sa akin.
"Opo." sabi ko.
"Anong dahilan?!" galit nyang tanong.
"May taong nagpabago sa akin, dahil sa kanya ay nawala ang pagiging negatibo ko." sagot ko.
"A-ang lalim." sabi ni Boss, at nagulat ako na ginulo nya ang buhok ko.
"Nagbago ka na, hindi katulad ng dating Mina na nakilala ko. Yung unang araw mo sa trabaho na ito parang wala kang buhay, pero ngayon.. masaya ako na nagbago ka na." sabi ni Boss.
"Eh, magreretiro na sya?!" gulat ni Chan Li. "Wala nang mago-overtime para sa akin!" iyak nya.
"Tamad ka lang talaga." sabi ni Boss sa kanya, at binatukan nya ito.
Dumating ang gabi.
Bumisita pala si Mao dito, at may kasama syang lalake. Naalala ko na overtime ngayon si Banryuu.
"Andito ka na pala, nagluto pala ako ng curry, tsaka binilhan ko si Keisaku ng libro, sabi kasi ni Banryuu yan ang hilig nya." sabi ni Mao sa akin.
"Sino yung lalake?" tanong ko sa kanya.
"Stalker." sagot nya.
"Anong stalker, boyfriend mo 'ko diba?" tanong nya sa akin.
Parang pamilyar yung mukha ng lalakeng 'to? Sya yung tinitilian minsan ng boss ko.
"Eto, ikaw ba yung model sa Latest Magazine?" tanong ko sa kanya.
"Ah, oo bakit idol mo ako?" masaya nyang sabi.
"Yung boss ko idol ka." sagot ko.
Pagkatapos ng daldalan ay nilapitan ko si Keisaku, sobrang tutok sya kakabasa ng mga libro.
Hinawakan ko ang kanyang ulo, at nagulat sya.
"Mama." gulat nya.
"Naistorbo ba kita?" tanong ko sa kanya.
"Hindi po, alam mo po nakakatuwa yung libro na binigay ni Tita Mao." masaya nyang sabi, at pinakita nya yung libro.
"Talaga, basahin nga natin." sabi ko sa kanya.
Lumipas ang mahabang oras ay umuwi na sina Mao, at yung boyfriend nya. Si Keisaku naman ay nakatulog sa kakabasa ng libro.
Sakto ay nakauwi na din si Ban, kaso sobrang pagod sya.
Tinitignan ko lang sya na nagbibihis ng damit. Napansin ko na madami syang peklat sa katawan nya, ganon ba talaga kapag gangster ka? Nasasali ka sa mga gulo.
"Tapos na ako magbihis." sabi nya.
"Yung katawan mo." sabi ko sa kanya.
"Ah, noong High School nanggaling ang mga sugat kong 'to. Nasasali ako sa Sparring dati, bigla-bigla silang magyayaya na magbugbugan, at sparring kaya ito resulta." paliwanag nya, sabay tabi sa akin. "Bakit, ayaw mo sa ganitong katawan?" tanong nya.
"Hindi naman, delikado kasi buhay mo dati." sabi ko.
"Ahaha.. Dati lang 'yon, pero ngayon hindi na." sabi nya, at niyakap nya ako. "Matulog na tayo." sabi nya.
"Sige." payag ko.
Kinaumagahan.
"Aalis na ako." sabi ni Banryuu sa akin.
"Ingat ka." sabi ko sa kanya.
"Wala bang kiss dyan?" tanong nya sa akin.
"T-tumigil ka nga." gulat ko, at kinarga ko si Reo.
"Ehhhh.." tampo nya sa akin.
"Si Reo na lang halikan mo." sabi ko sa kanya, at inilapit ko sa kanya si Reo.
"Ehhhh.."
"Haist.." buntong hininga ko, at hinalikan ko na lang sya sa pisngi. "Oh aya, magtrabaho ka na, aasikasuhin ko pa si Keisaku." sabi ko sa kanya.
"Masusunod aking Mina." masaya nyang sabi sabay alis nya.