Klein's Point of View
"Eh, kilala mo yung babae na 'yon?!" gulat ko.
"Oo sobrang tahimik ng babae na 'yon. Kapag binabati ko sya ng magandang umaga, umiiling lang. Kapag kinakausap ko, umiiling lang. Tsaka, pansin ko sa mga mata nya parang walang buhay." paliwanag sa akin ni Fueru. "Tsaka, ano nagustuhan mo sa babaeng 'yon?" tanong nya sa akin.
"Hindi ko alam, noong nakita ko sya ay feeling ko sya na yung babaeng para sa akin." sabi ko sa kanya.
"Ewan ko sa'yo." inis na sabi ni Fueru, at bumalik na sya sa kanyang trabaho.
Gagawa ako ng paraan para magustuhan nya ako, at gusto ko malaman ang kwento ng buhay nya atbp.
Sumunod na araw.
Habang nagwawalis ako ng mga bulok na dahon ay nakita ko nanaman sya. Napatingin sya sa akin, tinignan ko ang kanyang mga mata. Ang mga mata nya walang buhay..Tapos, iniwasan na nya ako.
Ughh.. Ano bang paraan para mapansin nya ako?
Pero, ang tanga ko din. First time ko sya nakita nainlove na ako sa kanya, tapos gusto ko mapansin sya. Syempre hindi nya ako papansinin dahil hindi nya ako kilala.
Kaso, hindi alam ni Fueru kung sino ba talaga siya.
Dumating ang gabi.
Pagsara ko ng Cafe ay nakita ko sya nakatayo sa harap ng Cafe. Kaso, nakita nya ako sabay alis nya. Sakto tapos na ang aking trabaho kaya susundan ko sya.
Sinundan ko sya sa kanyang paglalakad.
Kaso..
Lumingon sya sa akin, at tumingin ng masama sa akin.
"Ah! Eto!" sigaw ko.
"Wag mo na ako lapitan, mandidiri ka lang sa akin." malamig nya na sabi.
Nandidiri?
Agad ko sya nilapitan, at hinawakan ang kanyang braso.
"Tingin mo, nandidiri ako sa'yo? Parehas naman tayong tao, kaya hindi ko kailangang mandiri sa'yo." sabi ko sa kanya.
"Parehas nga, kaso magkaiba tayo ng pinanggalingan. Kapag nalaman mo ang tunay kong pagkatao, lalayuan mo ako." sabi nya sa akin, at binitawan nya ang paghawak ko sa kanyang braso.
"Kaya gusto ko malaman ang pagkatao mo, dahil may gusto ako sa'yo." sabi ko sa kanya.Tinitigan nya ako ng maigi, at tumalikod sya sa akin.
"Nagkagusto ka sa babaeng hindi mo naman kilala ng lubusan. Madami namang babae dyan, maghanap ka na lang ng babaeng nararapat sa'yo." sabi nya sa akin, at umalis na sya.
Bakit, doon naman nagsisimula ang lahat eh.
Hindi pa din ako susuko.
Sumunod na araw.
Sa Cafe.
"Fueru, sige na!" pagmamakaawa ko.
"Hindi ko alam!" sigaw ni Fueru.
"Diba matagal na sya andoon sa apartment nyo? Bakit hindi mo alam?!" tanong ko sa kanya.
"Dahil hindi kami close!" sigaw nya.
"Ahhh!! Gusto ko malaman!!" sigaw ko, at sinasabunutan ko ang aking sarili.
"Gumawa ka ng paraan, diba mga lalake kayo? Dapat gumawa ka ng paraan para malapitan mo sya!" sigaw ni Fueru.
"Hindi ko alam kung paano, ang hirap nya ma-approach!" reklamo ko.
"Bahala ka dyan, magtanong ka sa mga tropa mong mga manyakis." inis na sabi ni Fueru."Oi, hindi ako katulad nila Ritai, at Naito!" sigaw ko.
"Magiging manyakis ka din kapag nagkagusto na sya sa'yo." sabi ni Fueru, at bumalik na sya sa trabaho.
Anong gagawin ko?
Dumating ang gabi.
Pagsara ko ng Cafe ay biglang lumakas ang ulan. Buwisit, wala akong payong. Paglingon ko sa likod ay nakita ko nanaman sya, kaso naglalakad sya na walang payong. Basang-basa sya.
"Oi!" tawag ko sa kanya.
Lumingon sya saglit, at iniwasan nya ako tapos naglakad na sya ulit.
"Ah, sandali! Sumama ka sa akin, basang-basa ka sa ulan. Baka magkasakit ka." sabi ko sa kanya.
"Sanay naman ako magkasakit. Kaya ko naman alagaan ang sarili ko kapag may sakit." sabi nya sa akin.
"Hindi, sumama ka sa akin." sabi ko, at hinawakan ko ang kanyang kamay sabay hila ko sa kanya.
Pinapasok ko sya sa aking kotse, at sumakay na din ako sa loob para magmaneho. Pero, ang lapit na ng bahay nya pinalayo ko pa sya.
Ang tanga ko.
"Bakit ang kulit mo, sinabihan na kita kagabi na lumayo ka na sa akin." sabi nya sa akin.
"Hindi ako lalayo sa'yo, dahil naantig ako sa kagandahan mo." sabi ko sa kanya. "Hindi ko alam kung ano yung nakaraan mo, ang mabuti ay kailangan mo ako magustuhan." dagdag ko.
Pagdating namin sa aming condominium ay agad ko pinarke ang aking kotse, at pumunta na kaming dalawa sa aking Condominium.
Pagpasok naming dalawa ay tinignan ko sya, basang-basa sya, nalamigan pa sya sa aircon ng kotse ko.
"Andoon pala yung cr ko, kukuha ako ng maisusuot mo." sabi ko sa kanya.