Majime's Point of View
"Babysitting?" tanong ko kay Yoshimitsu.
"Oo." sagot nya.
"Hindi pa ako nakaranas magalaga ng sanggol." sabi ko.
"Kaya, kapag nagkaroon ulit tayo ng anak. May malalaman ka sa pagalaga ng bata." sabi ni Yoshimitsu.
Tinitigan ko sya ng masama sa kanyang sinabi, halatang may masamang binabalak itong lalakeng 'to. Kaya wala pa din akong tiwala sa lalakeng ito ng onti.
"Wag ka naman magalit, tsaka pansin ko na nahihiya ang mga kasambahay dito na maglinis ka, kaya aalagaan mo yung anak ni Kishi, at wag kang magalala susunduin kita pagdating ng gabi." sabi nya sa akin.
Kinaumagahan.
Andito kami ni Yoshimitsu sa Nishikawa's Household, mas nakakatakot yung aura dito sa lugar na ito, sakto nasa harapan namin yung anak ng leader ng Nishikawa, yung pinsan ni Yoshimitsu.
"Andito na kami." sabi ni Yoshimitsu.
"Ohh.. Mukhang magandang babae yung nahanap mo ah." sabi ng lalake sa kanya.
"Oo, at masarap sya katabi sa kama." sabi nya, at hinawakan nya ang balikat ko.
Baka gusto mong hindi kita papansinin mamaya?
"Ahaha.. Biro lang 'yon, oo maganda, at mabait sya." sabi nya.
"I-itigil mo nga 'yan." sabi ko.
Narinig ko yung pagsipol ng mga gwardiya sa sinabi ni Yoshimitsu, feeling ko mamamatay ako sa hiya nito.
Tinignan ako ng lalake, at ngumiti sya sa akin.
"Tara, ipupunta kita sa asawa ko." sabi nya.
"Osha, babalikan na lang kita mamaya." sabi ni Yoshimitsu, at hinalikan nya ako sa noo sabay alis nya.
Habang naglalakad kami sa Hallway ay bigla syang nagsalita.
"Ako pala si Kishi, at pinsan nya ako. Noong tinignan kita, pansin ko yung aura mo. Parang asawa ko lang noong una kong kilala sa kanya, kaso iba sa'yo. Parang, may kinakatakutan ka sa nakaraan mo." sabi nya.
"Eh." gulat ko.
N-nakakatakot naman pinsan nya.
"Ah, wag mo na lang pansinin ang sinabi ko. Tsaka, pasalamat ka na si Yoshimitsu ang naging asawa mo. Kahit ganon yan, matinong lalake sya. Tsaka, hindi ko aakalain na titigil sya sa kanyang bisyo dahil sa'yo.. pasalamat ako na nakilala ka nya." masaya nyang sabi, at tumigil kami sa paglalakad.