Naito's Point of View
Habang nagiinat ako ay may lumapit sa akin na dalawang babae.
"N-naito, pa-autograph ng magazine na ito!" sabi nya, tapos binigay nya sa akin ang Magazine, at Pen.
Sinulat ko ang Autograph Sign sa magazine, pagkatapos ay binigay ko na sa kanya ang Magazine.
"Salamat po!" masayang sambit ng babae, at niyakap nya ako.
"A-ahaha." tawa ko.
"Nice one." sabi ng kaibigan nya.
Pagalis ng dalawang babae ay pumasok na ako sa loob, at hinanap ko si Hanayori. Pagpasok ko sa loob ay agad ko nilapitan yung kaibigan nyang sumuntok sa akin.
"Nakita mo si Hanabusa?" tanong ko sa kanya.
"Wag mo muna sya istorbohin, kailangan nya muna magisa." galit na sabi niya sa akin.
"Ahahaha.." tawa ko na lang.
Pagkatapos ko sya kausapin ay lumabas na lang ako, at nagpunta sa tabi ng dagat. Habang naglalakad ako ay nakita ko si Hanabusa, tulala, at nagsasalita magisa.
Habang nilalapitan ko sya ay naririnig ko ang mga sinasabi nya.
"Habang hinahabol ng killer ang supporting character ay, hinagis nya ang umaandar na chainsaw, at natamaan ito sa likod." sabi nya.
T-teka, akala ko mahilig sya gumawa ng Romance Story. Bakit naging horror na?
"Hanabusa." tawag ko sa kanya.
Bigla syang naalimpungatan, at napatingin sya sa akin.
"Bakit ka andito?" gulat nya.
"H-hinahanap kita." sabi ko sa kanya.
"Wag mo muna ako istorbohin, kailangan ko muna magisa." galit nya na sabi.
Ang init ng ulo nya ngayon, b-baka meron sya. Pabayaan ko na muna sya.
Tatalikod na sana ako sa kanya na bigla syang natumba.
"A-ayos ka lang?" pagaalala ko sa kanya.
"O-oo, bumalik ka na sa Inn Restaurant kailangan ko ng reference sa gagawin kong storya." sabi nya sa akin.
"Ayoko." sabi ko sa kanya, at kinarga ko sya. "Hindi pa tapos ang trabaho ko sa'yo, tsaka hindi pa tapos ang isang buwan mong bakasyon." dagdag ko sa kanya.
Pagkatapos ko syang kausapin ay agad kami dumiretso sa Inn Restaurant, at pumunta sa kanyang kwarto.
Paglapag ko sa kanya sa higaan ay hinawakan ko ang kanyang noo, sobrang init."Anong ginawa mo kagabi?" tanong ko sa kanya.
Hindi sya umimik.
"Wag mong sabihin na.."
"Masama ba tapusin ang librong binabasa ko?" tanong nya sa akin.
"Sira!" sabi ko sa kanya, at pinitik ko sya sa noo. "Magpahinga ka dyan, kukuha ako ng gamot, at pupuntahan ko si Fueru para alagaan ka." dagdag ko, at umalis na ako.
Lumipas ng ilang oras..
Habang naghuhugas ako ng plato ay nilapitan ako ni Auntie.
"Nilagnat si Hanayori?" tanong nya sa akin.
"O-opo." sagot ko sa kanya.
"Sana gumaling na sya agad, para makasama sya sa Summer Festival." sabi ni Auntie.
Sana nga.
"By the way, may gusto ka ba sa kanya?" tanong ni Auntie sa akin.
Bigla ko nabitawan ang plato na hawak ko, at nabagsak ito. Napatingin ako kay Auntie, yung ngiti nyang mala-joke.
"Kahit hindi mo sabihin sa akin, alam ko naman. Dahil binasag mo yung plato. Yan ang katibayan na may gusto ka sa kanya." sabi ni Auntie, at umalis na sya sa kusina.
Sarap din sapakin ni Auntie minsan eh.
Pagkatapos ko maghugas ng plato, at winalis ang basag na pinggan ay bumalik na ako sa bahay ni Auntie. Habang naglalakad ako sa hallway ay nakasalubong ko ang kaibigan ni Hanabusa na may dalang kumot, at unan.
"May problema ba?" tanong ko sa kanya.
"Sabi ng Auntie mo doon ako matutulog sa isang kwarto, para hindi ako mahawaan ng sakit." sabi nya sa akin, at umalis na sya sa harap ko.
Pinuntahan ko sya sa kanyang kwarto, nakita ko na nahihirapan sya matulog dahil sa lagnat. Nakita ko na bumangon sya, at hinawakan nya ang kanyang damit.
B-basa ang damit nya sa pawis.
"Ang init." sabi nya, at hinubad nya ito.
"S-s-s-s-sandali!" pagpigil ko sa kanya.
Agad ko tinawag ko ang kaibigan nya para palitan sya ng damit. Paglabas niya sa kwarto ay masama ang tingin nya sa akin.
Hai naku.
Sana gumaling ka na.