Miyuna's Point of View
Lumipas ng ilang araw ay gumaling na ako sa sakit.
Balik ulit sa dati, wala pa din pansinan.
Anak ko lang ang pakay nya dito. Total sya naman ang ama ng bata na 'yan, at wala nang iba.T-teka, bakit ba naiinis kapag ang anak ko palagi nyang pinapansin nakakainis.
Sa Opisina, habang tinatapos ko ang inuutos ng Boss ko ay nilapitan ako ng aking kaibigan na si Sheena.
"Miyuna, okay ka na ba?" tanong nya sa akin.
"Ayos na ako." sabi ko.
"Matanong lang, yung lalakeng nakausap ko noong nakaraang araw ay iyon ang ama ni Miumi?" tanong nya sa akin.
"Oo, kung marami ka pang tanong lumayas ka na." sabi ko sa kanya.
"Kalma lang, osha kita na lang tayo sa Lunch." sabi nya, at umalis na sya sa harapan ko.
Pagalis nya ay sobrang bilis ng pagtibok ng puso ko. Ano ba problema ko, porkit hinubaran nya ako, tinabihan na ako at kung ano man, hindi ko pa din magugustuhan.
2 linggo na lang iiwan na din kami ni Miumi.
Kinagabihan.
"Mama, sabi ni Papa pwede daw ako bumisita sa bahay ng kanyang amo!" sabi ni Miumi sa akin.Yan na nga naiisip ko.
"Ah Mama--"
"Ah ganon ba, sige matutulog na ako." sabi ko.
"Mama, kumain ka muna ng hapunan." sabi ni Miumi sa akin.
Pagpasok ko sa kwarto ay agad ako humiga.
"Haist.." buntong hininga ko.
Kinaumagahan.
Habang kumakain ako ng almusal ay naalala ko ang naging boyfriend ko. Akala ko sya na talaga ang lalakeng para sa akin. Tapos nakita ko lang na may iba syang babae sa isang Bar.
Pinaglaruan nya ang feelings ko.
"Haist.." buntong hininga ko sabay inom ng kape.
Naalala ko pala na linggo ngayon.
Tinignan ko silang dalawa sa sala's.
Ang saya-saya nila.
Sa totoo lang, walang kwenta akong ina para kay Miumi. Puro trabaho lang ang ginawa ko ng 8 taon, kahit anong atensyon na ginagawa nya para mapansin ko sya.
Pagbalik ko sa kwarto ay kinuha ko ang libro na binili ko kagabi.
Bakit ko ba binili ito?
Dibale, babasahin ko na nga!
Lumipas ng 1 oras.
"A-ano yung nabasa ko?!" gulat ko.
A-akala ko simpleng romance story lang. H-horror pala yung nabasa ko.
I-ibibigay ko na lang sa kaibigan ko itong libro na ito. Total naman mahilig sya sa horror, pupuntahan ko na lang sya sa apartment nya.
Paglabas ko ng kwarto ay nagulat ako na nabangga ko ang lalake na 'yon.
"P-pasensya na." sabi nya.
"M-magingat ka nga." sabi ko sa kanya.
"Mama, nag-aaway kayo ni Papa?" tanong ni Miumi sa akin.
"Ah, hindi kami nagaaway. Osha, may pupuntahan muna ako." sabi ko kay Miumi.Sa Apartment ni Sheena.
"Waaa! Ang libro na pangarap kong bilhin! Salamat sayo Miyuna, alam mo talaga ang paborito ko." masaya nyang sabi. "Osha, ito yung late na regalo ko noong birthday mo. Total mahilig ka naman sa Smut diba?" tanong nya sa akin.
"O-oo." sabi ko, at kinuha ko sa kanya yung libro.
Pagkatapos kong bumisita kay Sheena ay naisipan ko na umuwi.
Pagbalik ko ay nakita ko na tulog si Miumi sa may sofa, tsaka wala yung lalake na 'yon.
"Mama, bati na kayo ni Papa." sabi nya habang natutulog sya.
"Imposible ang sinasabi mo." sabi ko sa kanya, at kinarga ko sya.
"Saan ka nagpunta?" tanong nya sa akin.
Tumingin ako sa kanya.
"Wala ka na doon." sabi ko sa kanya.
"Hindi ko alam kung bakit naging ina ka pa ni Miumi, hindi mo man lang mapansin ang mga gusto nya." sabi nya.
"Tama ka, naging walang kwentang ina ako sa kanya. Dahil nabuntis ako sa lalakeng katulad mo. Kasalanan ko naman iyon, ibinigay ko sa katulad mo ang aking pagka-birhen ko, sa isang lalakeng hindi ko naman kilala ng lubusan." paliwanag ko sa kanya.
"Haist.." buntong hininga nya. "Ipupunta ko na si Miumi sa kwarto nya." sabi ko sa kanya.