Rejection - Chapter 6: I'm Sad

1 0 0
                                    


Erika's Point of View


"Bitawan mo ako." sabi ko sa kanya.


"Alam mo ba noong hindi ka lumapit sa akin, nalungkot ako. Kung kailan na hindi ka na lumalapit sa akin, doon pa ako nagkaroon ng feelings sa'yo. 5 taon kitang hinanap, tapos na makita kita sa Reunion ay natuwa ako. Kaso, nagiba na ang ugali mo dahil sa akin." paliwanag nya sa akin.


"Sinungaling ka, hindi totoo 'yan. Yung mga binigay ko sa'yo tinapon mo, tapos.. tapos.." galit na sabi ko hanggang sa umiyak na lang ako.


"Pasensya na kung sinaktan kita ng 3 taon sa High School, at nahihirapan ka sa buhay mo." sabi nya, at niyakap nya ako ng mahigpit.


Kinaumagahan.


Paggising ko ay nakita ko si Jiro na nakahubad ang pang-itaas nyang damit, at syempre nakahubad din ako. May nangyari pala sa amin.


Binigay ko ang pagka-babae ko sa isang lalakeng sinungaling.


Bumangon na ako, at nagsuot na ng damit.


Hindi na ako nagpaalam sa kanya, ayokong maistorbo ang tulog nya.


Paguwi ko ay nakita ko si Ate Chan Li na paalis na kasama ang kanyang anak.


"Nakauwi ka na pala, ikaw na bahala sa bahay ah." sabi ni Ate sa akin.


"Opo. Pasensya na kung ngayon lang nakauwi." sabi ko.


"Sabi sa akin ni Mary doon ka na nakatulog sa kanila kaya ayos lang."


Ang babaeng 'yon, hindi nya alam ang nangyari.


Pero kalimutan na 'yan.


Sabi ni Arisa may Short Story Contest Online kaya focus muna ako doon. Kailangan kong ibalik ang dati kong gawain noong High School.


Lumipas ang ilang oras ay wala pa din akong maisip na tema sa storya.


"Ahh.. Nakakainis!" sabi ko sa aking sarili.


Ang naiisip ko lang na tema, yung ni-reject ako ni Jiro.. Tama, iyon na lang naiisip ko na tema eh.


 Sige, magsisimula na ako.


Lumipas ang mahabang oras.


"Wah, natapos din." sabi ko, at naginat ako.


Matagal-tagal ko na hindi nabubuksan laptop ko. Sana matanggap yung storya na ito, sa panahon na 'to hindi na madali matanggap ang mga writer kapag masyadong mababa ang imahinasyon.


Pinasa ko na sa website ang aking story.


Magaantay na lang ako sa announcement.


Pero, natuwa ako na nakita ko si Arisa. Kaso hindi ko sya nakita sa Reunion, siguro busy sya sa pagbabantay sa Bookshop nila.


Naalala ko na hiniram nya yung notebook ko na puno ng short stories, buti naalala nya na ibalik sa akin iyon. Tsaka, nakalimutan ko na din syang kausapin na kunin iyon sa kanya noong High School kami.


Tsaka, mukhang naiwan ko yung notebook ko doon kela.. JIRO?!


B-baka mabasa nya yung nasa notebook.


Agad ko kinuha ang jacket ko sa kama, at nagmadaling lumabas ng bahay.


Pagdating ko sa bahay ni Jiro ay nakita ko sya na papasok pa lang sya sa loob ng bahay.


"Oi!" tawag ko sa kanya.


Napalingon sya na tinawag ko sya, agad nya ako nilapitan.


"Bakit ka umalis ng hindi nagpapaalam?" tanong nya sa akin.


"Ayokong maistorbo kita sa pagtulog."


"Alam mo bang kinabahan ako na kung anong nangyari sa'yo."


Eh, ang OA.


"Walang mangyayari sa akin ng masama sa umaga. Tsaka, yung notebook naiwan ko kagabi.. kukunin ko." sabi ko sa kanya.


"Hindi ko pa tapos basahin 'yon." sabi nya.


Binasa nga nya!!


"Parang awa mo na, wag mong babasahin 'yon!" pagmamakaawa ko sa kanya.


"Eh, bakit naman?" tanong ko.


"Dahil.."


Andoon yung mga sinusulat ko tungkol sa'yo sa likuran ng notebook na 'yon.


"Sa susunod na araw ko ibibigay sa'yo. Madali ko lang naman matatapos 'yon." sabi nya.


"P-please lang, may sinulat ako sa likod ng notebook na 'yon. Doon ko nilagay yung mga bagay tungkol sa'yo." sabi ko sa kanya, at yumuko ako sa hiya.


"Ayos lang." sabi nya.


"Eh."


"Diba sabi ko may feeling ako sa'yo. Wala akong pake kung ano sasabihin mo sa akin, dahil tatanggapin ko 'yon." sabi nya sa akin.


Ang weird nya talaga, bigla lang nagkagusto sa akin. Parang hindi totoo eh.


"Gusto mo ba dito ka manatili?" tanong nya sa akin.


"U-uuwi na ako."


"12am na kaya." sabi nya.


"Eh?"


"Dito ka muna, tsaka pasensya na kung kinuha ko ang pagka-babae mo." pagpasensya nya sa akin. "Bigyan mo ako ng tsansa na magkagusto ako sa'yo. Gusto ko ibalik mo ang pagkagusto mo sa akin." dagdag nya, at niyakap nya ako.


Totoo nga sinabi nya, akala ko drama lang nya kagabi iyon.


Pero, nararamdaman ko.


"Susubukan ko."

Styx-O Romance StoriesWhere stories live. Discover now