Here - Chapter 3: Lame Author

10 2 0
                                    

Hanayori's Point of View


Pangatlong araw na ako andito sa Condominium ng kapatid ni Editor Hikasa, at hanggang ngayon ay walang kibuang nagaganap sa aming dalawa.


Busy sya pagbabasa ng magazine, at kumakain sya ng vegetable salad.


Pagkatapos ko syang silipin ay sinara ko ang pinto ng kwarto ko, at humiga sa kama. Nakakabagot pala ang ginagawa ko, higa, basa, kain, at tulog ang inatupag ko.


Samantala noong may trabaho ako, hindi ako nagrereklamo sa mga ginagawa ko. Pero, iba ngayon eh. Siguro, dahil sa wala akong ginagawa.


"Haist.." buntong hininga ko.


Nakakabagot talaga.


Dumating ang gabi.


Narinig ko sa labas na may kausap ang kapatid ni Editor Hikasa, may bisita yata sya. Mas mabuting hindi ako lumabas ng kwarto, baka magkaroon ng problema tapos sisisihin nya ako na nasira yung image nya.


Kapag model ka, pagdating sa relationship sisirain ng mga tao ang image mo pagdating sa tsismis.


Makinig nga muna sa pinag-uusapan nila.


"Naito, nagbabasa ka pala ng libro ni Hanayori Hanabusa?!" tanong ng kaibigan nyang lalake.


"Fan ka pala ni Hanabusa, ang ganda ng mga storya nya." masayang sambit ng kaibigan nyang babae.


"Eh, fan pala kayo?" tanong ni Naito sa dalawa.


"Syempre naman, abang na abang kami palagi sa mga latest books nya." sabi ng lalake sa kanya.


Yung dalawa nyang kaibigan binabasa nya ang mga libro ko?! Hindi ko aakalain na may mga fan ako sa mga kaibigan nya.


"Para sa akin lame author sya." sabi ni Naito sa dalawa.


L-lame Author?


"Ang sama mo naman." galit na sabi ng babae sa kanya.


"Ang masasabi ko lang, itong librong My Feelings for you ay boring basahin. Wala akong naramdaman na thrill sa storya." inis na sabi ni Naito.


"Pwe, palibhasa kasi hindi ka nagbabasa ng mga libro kaya ganyan ka." galit na sambit ng babae sa kanya.


"Kalma lang Sherry." pagpigil ng lalake sa kanya.


"Mas maganda pa magbasa ng magazine kesa sa libro." sabi ni Naito sa mga kaibigan nya.


Lame Author, walang kwentang gumawa ng storya, boring, walang thrill. Medyo nasaktan ako sa mga sinabi nya. Pero dibale, may mga ganon talagang tao wala akong magagawa kung ayaw nila sa storya ko.

Styx-O Romance StoriesWhere stories live. Discover now