Please Fall in Love With Me - Chapter 9: About Iroka Part I

6 2 0
                                    

Klein's Point of View


Sa Cafe.


"Kyaaaa! Si Douglas!" tili ng mga costumer na babae sa kanya.


"Anong kailangan mo?" tanong ko sa kanya.


"Hinahanap ko lang naman sayo si Iroka." sabi nya sa akin.


"Ano ba kailangan mo sa kanya?" tanong ko.


"Interesado ako sa kanya." sabi nya.


"Pasensya na, pero sa akin na sya." galit na sabi ko.


"Well, kaya ko syang agawin sayo." sabi nya.


Nagulat ako na biglang sumulpot si Fueru, at hinawakan nya ng mahigpit ang balikat ni Douglas.


"Excuse me, hindi pwede ang mga playboy sa Cafe na ito. Pwede ka na bang lumayas?!" galit na tanong ni Fueru sa kanya.


"Easy lang, wala akong gagawing masama dito." nakangiti nyang sabi.


"Tsaka, walang emosyon si Iroka pagdating sa Love Life kaya wala kang pagasa sa kanya. Lalo ka na manager." galit nya na sambit.


Aray ang sakit noon.


Lumipas ng 5 minuto ay lumayas na si Douglas sa Cafe, at naghagis ng asin sa labas ng Cafe si Fueru. Tsaka, 1 linggo na simula hindi ko nakita si Iroka.


Hindi man lang nagpaalam noong umalis sya. Paggising ko andoon si Ate Claire.


"May cellphone number ka ni Iroka?" tanong ko kay Fueru.


"Walang cellphone si Iroka." sabi ni Fueru.


"Ano?!" gulat ko.


"Diba galing sya sa ampunan bahay? Never sya naka-experience makahawak ng mga teknolohiyang bagay ngayon. Alam mo ba na ang sweldo nya binibigay nya sa bahay ampunan." paliwanag ni Fueru.


S-seryoso?


"Napansin mo ba kapag may binibigay ka na isang kahon ng donuts sa akin ay binibigay ko sa kanya. Minsan niyaya ko na din sya kumain sa hapunan." sabi ni Fueru.


Ang dami hindi ko alam sa babae na iyon.


Kinagabihan.


Pagkatapos ko isara ang Cafe ay nakita ko sya pauwi. Nakita ko na nagtatakip sya ng kanyang mukha, ano ba problema nya?


"Oi." tawag ko sa kanya.


"Bakit?" tanong nya.


"Ah eto, may gusto ata sa'yo si Douglas." sabi ko sa kanya.


"Ah ganon ba, pero wala akong interest sa kanya.. sayo lang." sabi nya, tapos napatakip sya ng bibig.


A-ano sinabi nya?


"Joke mo lang 'yon ano?" tanong ko sa kanya.


"Oo, joke lang 'yon wag mo na lang pansinin." sabi nya, at naglakad na sya ulit.


Hinabol ko sya agad, at hinawakan ang kanyang kamay. Humarap sya sa akin, at pulang-pula ang kanyang mukha sa sinabi nya.


"Bitawan mo ako." sabi nya.


Bumitaw ako sa paghawak nya sa kamay.


Imposibleng joke iyon, totoo na may gusto sya sa akin. Masaya nga ako na nalaman ko na may gusto sya sa akin, kaso parang gusto kong umatras.


Styx-O Romance StoriesWhere stories live. Discover now