Iroka's Point of View
Sa Market District, habang bumibili ako ng mailuluto ko sa hapunan ay nakita ko si Finis, at nakita nya din ako. Agad nya ako nilapitan.
"Iroka!" sigaw nya sa pangalan ko.
Umiling lang ako, tapos hinawakan nya ang aking kamay.
"Bakit ka nagresign!" iyak na sabi ni Finis sa akin.
Hindi ko alam ang sasabihin ko, takot akong sabihin sa kanya ang katotohanan.
"Walang masyado bantay sa ampunan bahay." sabi ko.
"Ah ganon ba, naintindihan ko. Pero, hindi mo man lang ako pinansin hanggang sa magretiro ka." tampo nya sa akin.
"H-hindi ka ba nandidiri sa akin?" tanong ko sa kanya.
"Ano ba, kahit galing ka sa ampunan parehas lang tayong tao. Hindi ko kailangan mandiri sa'yo, gusto ko lang naman makipagkaibigan sa'yo eh." sabi nya.
Medyo gumaan ang pakiramdam ko sa sinabi nya.
Lumipas ng 2 linggo.
Nagpasya ako na hindi muna ako bumalik sa ampunan bahay. Habang nagbabasa ako ng libro ay napatingin ako sa bintana. Sobrang lakas ng ulan, sobrang lamig pa.
*tok tok tok
Narinig ko na may kumatok sa pinto.
Agad ko pinuntahan para buksan ang pinto. Pagbukas ko ng pinto ay nagulat ako si Klein ang nasa harapan ko, basang-basa sya sa ulan.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya.
"Sobrang lakas ng ulan, hindi kaya ng kotse ko ang ganitong panahon." sabi nya. "Kaya naisipan ko na puntahan ko si Fueru dahil malapit lang naman ang tirahan nya." dagdag nya.
"Kung si Fueru ang hanap mo, bakit ka dumiretso dito?" tanong ko sa kanya.
"Pumunta sya sa boyfriend nyang artista." sabi nya.
"Kung si Fueru lang hanap mo, umuwi ka na lang." sabi ko, at isasara ko na ang pinto.
Napigilan nya ang pagsara sa pinto, at pumasok sya sa loob ng aking apartment.
"Na-miss kita." sabi nya sa akin, at bigla nya akong hinalikan.
Pagkatapos nya akong halikan ay bigla syang sinipon.
"Kukuha lang ako ng maisusuot mo, maligo ka muna." sabi ko sa kanya.
Kumuha ako ng damit na maisusuot nya. Pagkatapos ko kumuha ng damit sa damitan ay nakita ko syang kakalabas lang nya sa banyo.
"Eto, suotin mo ito." sabi ko sa kanya.
"Salamat." sabi nya, at pumasok sya ulit sa banyo.
Nagantay ako ng ilang minuto, lumabas na sya pagbihis ng damit. Tumabi sya sa akin sa Sofa, tapos niyakap nya ako ng mahigpit.
"Nilalamig ka ba?" tanong nya sa akin.
"Oo." sabi ko sa kanya.
"Inaantok na ako." sabi nya sa akin.
"Matulog ka na." sabi ko sa kanya.
"Ayoko." sabi nya, tumayo sya sa Sofa, at kinarga nya ako sabay pinahiga nya ako sa aking higaan.
Anong nararamdaman ko, hindi ko maintindihan ang kasiyahan ko na makita ko sya ulit.
"Mahal kita." sabi ko sa kanya.
"Mahal din kita." sabi nya, at tumabi sya sa aking paghiga sabay yakap nya sa akin.
Niyakap ko din sya pabalik, ramdam ko ang init ng kanyang katawan.
Kinaumagahan.
Paggising ko ay nasa tabi ko pa din sya, kaso ang sarap pa din ng tulog nya. Siguro, pagod sya sa trabaho nya. Papabayaan ko na lang sya.