Forget the Past - Chapter 7

1 0 0
                                    


Majime's Point of View


Ito ang araw ang paguwi ng asawa ni Mina dito sa Shrine, sabi nya pinsan nya yung lalakeng 'yon, kaya may pagkakataon akong masabi sa kanya yung sakit nya.


"Oops.. Hindi kita hahayaan na sabihin mo." sabi nya, at hinawakan nya ang aking kamay.


Bigla akong nakaramdam ng takot na hinawakan nya yung kamay ko, agad akong bumitaw ako sa kanya, at umalis sa kanyang harapan.


"Ban!" tawag ko sa kanya habang papalapit ako sa kanya.


"May problema ba?" tanong ni Ban sa akin.


"May sasabihin ako sa'yo mamaya, importante yung sasabihin ko!" sabi ko.


"Sige." payag nya.


Sa Library, habang nagbabasa ako ng libro tungkol sa History ng Medieval Age ay nakaramdam ako ng takot lumabas. Nararamdaman ko na nakaabang sya sa paglabas ko. Nakakatakot kahit kailan ang mga Yakuza, pero hindi ko sya ikukumpara sa asawa ni Mina.


Mabait na Yakuza si Ban ano!


Lumipas ang mahabang oras ay tumigil ako sa pagbabasa ng libro, at lumabas na ng Library.


Paglabas ko ng Library ay nagulat ako na nasa harapan ko sya, masama yung tingin nya sa akin. 


Babalik sana ulit ako sa loob ng Library na bigla nya akong pinigilan.


Hinila ako palapit sa kanya, at niyakap nya ako.


"B-bitawan mo 'ko." sabi ko sa kanya.


"Ayoko." sabi nya sa akin. "Please lang, wag mong sabihin sa kanila. Ayokong magalala sila sa akin." dagdag nya.


"Sabi ko sa'yo hindi mo ako mapipigilan, hindi ako magaling magsinungaling katulad nyo." sabi ko, at pilit ko bumitaw sa pagyakap nya.


"Magpapagamot ako sa aking sakit, basta wag mo sabihin sa kanila." sabi nya sa akin, at lalo nya hinigpitan ang pagyakap nya sa akin.


"H-hindi ako makahinga." sabi ko.


"P-pasensya na, masyado lang akong desperado para hindi mo sabihin kay Ban." pagpaumanhin nya sa akin.


"Kahit anong pagpigil mo, sasabihin ko pa din sa kanila." sabi ko.


"Anong sasabihin mo?" tanong ng isang pamilyar na boses.


Agad akong bumitaw sa pagyakap nya sa akin, at lumapit kay Ban, at sinabi sa kanya ang sakit nya.


"Isang gabi, nakita ko syang nagsusuka ng dugo." sabi ko sa kanya.


Styx-O Romance StoriesWhere stories live. Discover now