Tsugi's Point of View
Isang linggo ang lumipas matapos ilibing ang Mama ni Miyuna ay balik ulit sa dati.
"Papa, makikipaglaro ako sa mga kaibigan ko." sabi ni Miumi.
"Ingat ka." sabi ko sa kanya.
"Opo." masaya nyang sabi, at lumabas na sya ng bahay.
Ngayon, anong gagawin ko?
Pinuntahan ko sa kwarto si Miyuna, kumatok muna ako sa kanyang kwarto, at pumasok.
Pagpasok ko ay nakita ko na naglilinis sya ng kanyang kwarto.
Tsaka, matagal na ako pumapasok sa kwarto nya. Ganito karami yung mga libro na binibili nya?!
"T-tulungan mo ako!" sabi nya.
Tsaka, ito lang na kwarto na hindi ko nalilinis.
"Sige." payag ko.
Basta sa paglilinis, papayag ako.
Habang naglilinis kami ni Miyuna ng kwarto ay napansin ko na inurong nya yung cabinet.
Nagulat ako na may pinto na nakatago sa likod ng cabinet.
"Ah, hindi ko pala nasabi sa'yo. Ang pinto na ito ay papunta sa library ko." sabi nya.
"Ohhh.." gulat ko.
"Si Papa nagdisenyo nito, dahil alam nya mahilig ako magbasa ng mga libro." sabi nya.
"Alam ba nila na nagbabasa ka ng--"
"Wag mo na ituloy." mabilis nya na sabi.
Sabay kami pumasok sa kanyang library. Tinulungan ko sya sa pag-arrange ng mga libro.
"Masaya ako, na nakilala kita." sabi nya sa akin.
"Ako din." sabi ko.
"Tsaka, wag ka na matulog sa Living Room. Matulog ka na sa kwarto ko simula mamayang gabi." sabi ko.
"Kaya pala nilinis mo yung kwarto mo." sabi ko sa kanya.
"Oo, tsaka k-kailan tayo.. d-dibale na lang."
Alam ko na kung ano sasabihin mo.
"Kapag napakilala na kita sa mga magulang ko." sabi ko.