Iroka's Point of View
Wahhh.. Dayoff ko ngayon, ang saya-saya. Mamaya-maya pupunta ako kela Mother Rose, at magbibigay ng pasalubong sa kanila.
Paglabas ko ng aparment ay nakita ko si estrangherong lalake sa harap ng bahay ni Landlady. Pati ba naman sa Dayoff ko, hindi mo ako patatahimikin. Dibale, hindi na lang ako magpapaalam na dadaan ako sa harapan nya.
Paglabas ko ng apartment ay agad ako nagmadaling makaalis para hindi nya ako makita.Pagdating ko sa ampunan bahay ay nakita ko na walang tao sa loob, siguro nasa eskwelahan sila ngayon.
"Iroka." tawag sa akin ni Mother Rose.
"Mother!" tawag ko, at niyakap ko ito. "Kamusta na?" tanong ko.
"Ayos lang, Mother Rose." sabi ko, at binigay ko ang pasalubong sa kanila. "Mother, hindi po ako tatagal dito. May pupuntahan pa ako." sabi ko.
"Ah sige, masyadong busy ka sa trabaho. Sasabihan ko ang mga bata na nagdala ka ng pasalubong." sabi ni Mother Rose.
"Tsaka, ito na yung panggastos nyo sa katapusan ng buwan." sabi ko, at binigay ko ang pera.
"Naku ikaw talagang bata ka, hindi mo man lang gamitin ang sarili mong pera sa mga bagay-bagay." sabi ni Mother Rose.
"Hindi ko na kailangan, dahil wala naman akong hilig." sabi ko.
Pagkatapos ko bumisita sa ampunan bahay ay bumalik na ako sa aking apartment. Kaso, andoon pa din sya..
"Oh, Iroka nakabisita ka na sa ampunan bahay?" tanong ni Landlady sa akin.
"Eh, ampunan?" tanong nya.
"Si Iroka, doon na sya lumaki sa ampunan bahay." sabi ni Landlady.
Umiling ako, tinignan ko si estrangherong lalake. Medyo nagulat sya sa sinabi ni Ms. Landlady.
Oo, ampon ako. Mas mabuti na lalayuin na nya ako para matahimik na ang buhay ko.
Buti si Ms. Landlady kilala si Mother Rose, former Madre sya. Naisipan na lang nya magtayo ng isang apartment. Ito nirecommend ni Mother Rose na titirahan ko. Kaya may tiwala ako kay Ms. Landlady.
"Sandali. galing ka sa ampunan bahay?" tanong nya sa akin.
Tinignan ko sya.
"Alam mo na diba, pandirian mo na ako. Layuan mo na ako tulad ng mga tao na nasa paligid ko." sabi ko sa kanya, at bumalik na ako sa aking apartment.
Sanay naman ako, sanay naman akong pandirian ng mga taong nasa paligid ko.
"Sanay naman ako." sabi ko sa aking sarili.
Kinaumagahan.
Paglabas ko ng apartment ay agad na ako umalis para sa aking trabaho. Habang naglalakad ako papuntang Bus Stop ay nakita ko sya na nagwawalis ng bulok na dahon.
Napangiti ako na hindi na sya tumingin sa akin, ipagpatuloy mo lang yung pandidiri mo sa akin.
Pero, nasasaktan din ako kapag may taong pinandidirian ako dahil lumaki ako sa isang ampunang bahay.
Kinagabihan.
Habang naglalakad ako pauwi ay nakaramdam ako ng gutom. Tumigil ako sa isang Cheap Restaurant para kumain ng hapunan. Pagpasok ko ay andoon sya, kasama yung lalakeng sumapak sa kanya noong una nya akong nakita.
Hindi ko sila pinansin, at nagorder na ako ng aking kakainin.
"May problema ba Klein?" tanong ng kaibigan nya.
"Wala naman, wala na ata akong pagasang magkaroon ng babaeng magpapasaya ng buhay ko." sabi ni Klein.
"Bakit naman?" tanong nya.
Sabi ko na, pandidirian nya ako. Pare-parehas lang kayo.
"Pilit nyang nilalayo ang sarili nya sa akin. Nalaman ko na lumaki sya sa ampunan bahay, inisip nya na pandidirian ko sya. Ano naman masama kung galing sya sa ampunan bahay. Pantay-pantay naman tayo diba?" sabi nya habang umiinom ng alak.
"Ewan ko sa'yo." sabi ng kaibigan nya.
"Eto na ang order mo." sabi ng waiter, at binigay sa akin ang order.
Pagkatapos kong kumain ay lumabas na ako ng Restaurant. Hindi ko aakalain na sabay kami lumabas. Kaso, bagsak sya sa sobrang kalasingan nya.
"Oh, nagkita nanaman tayo." sabi ng kaibigan nya sa akin.
Umiling lang ako.
Tapos, umalis na silang dalawa.
Pagdating ko sa aking apartment, ay kinuha ko sa bulsa ang litrato nya noong College pa sya. Bakit ko pa ito kinuha, ano ba naiisip ko.
Kumatok ako sa pinto ng apartment ni Fueru. Binuksan ni Fueru ang pinto, at nagtanong ito sa akin.
"May problema ba?" tanong nya sa akin.
Binigay ko sa kanya yung litrato ni estrangherong lalake sa kanya. Nagulat sya kung bakit nasa akin yung litrato ng lalake na 'yon.
"Nakita ko lang sa mga bookshelves, habang nagtatrabaho ako." sabi ko.
"Ah, ganon ba. Sige, isasauli ko na lang sa kanya ito." sabi nya, at sinarahan na nya ako ng pinto.
"Tsaka, ngayon lang kita narinig na nagsalita." nakangiti na sabi ni Fueru.