Nikki's Point of View
Lumipas ng ilang araw.
Hindi ko sya maintindihan.
Bakit sya naging concern sa akin? Anong nakain nya?
Kahit anong layo ko sa kanya, lumalapit pa din sya. Hindi nya ba alam kapag naging malapit sya sa akin may masamang mangyayari sa kanya?
Buti natapos ko na ma-compute lahat ng mga grades.
"Haist.." buntong hininga.
"Mukhang natapos nyo na ang trabaho nyo Ms. Nikki." sabi ni Tsugi.
"Tapos na ako, maglalakad-lakad muna ako." sabi ko.
"Mukhang namumutla ka Ms Nikki, magpahinga ka muna." sabi ni Tsugi.
"Namumutla ba ako?" tanong ko.
"Opo, mas mabuting bumalik ka muna sa kwarto nyo." sabi ni Tsugi.
Sinamahan ako ni Tsugi pabalik sa kwarto. Pagbalik ko sa kwarto ay nakita ko si Kishi na nagbibihis sya. Na makita nya ako ay agad sya nagmadaling nagbihis.
"Master, mukhang may sakit si Ms Nikki." sabi ni Tsugi sa kanya.
Agad ako nilapitan ni Kishi, at hinawakan nya ang aking noo.
"Oo nga, meron nga. Ako na bahala sa kanya. Pakisabi na i-cancel ang meeting." sabi ni Kishi.
"Bakit kailangan mo i-cancel ang meeting mo? Kaya ko naman sarili ko." sabi ko.
"Hindi ko hahayaan na lumala ang sakit ng aking asawa." sabi nya.
*dug dug* *dug dug*
A-ano ito?
Inihiga ako ni Tsugi sa kama, at lumabas na sya sa kwarto. Naiinitan ako, at pinagpapawisan..
"Gusto ko maghubad." sabi ko.
Hindi nya ako pinakinggan, hinanapan nya ako ng damit na ipapalit sa basa kong suot na damit."Huhubadan kita." sabi nya sa akin.
"S-seryoso ka?" tanong ko sa kanya.
Tumahimik sya saglit. Nagmadali syang lumabas ng kwarto. Lumipas ng 5 minuto ay tinawag nya ang isa sa mga katulong nya sa bahay.
Ang katulong ni Kishi ang nagbihis ng aking damit.
Pagkatapos akong bihisan ay pumasok na si Kishi sa loob. Umupo sya sa tabi ko, at tinakpan nya ang mukha nya sa kahihiyan.
"Anong pinagsasabi ko." sabi nya.
Hindi ko na alam ang sunod nyang sinabi. Dahil nakatulog na ako.
Kinaumagahan.
Paggising ko ay napansin ko na wala si Kishi sa tabi ko.
Nakaramdam ako ng lungkot.
Isang buwan pa lang kami nagsasama ni Kishi, medyo nasanay ako na katabi ko na sya.
Bakit ba ako nalulungkot?!
Nakita ko na nagbukas ang pinto, at ang pumasok si Kishi.
"Gising ka na." sabi nya, at sinara nya ang pinto. "Gusto mo na ba kumain?" tanong nya sa akin.
"Gusto kong tumabi ka sa akin." sabi ko sa kanya.
A-ano pinagsasabi ko?
"Kung yan ang gusto mo." sabi nya, at tumabi sya sa akin.
Pinahiga nya ako sa kaliwa nyang braso. Tapos pinakiramdaman nya kung may lagnat pa ako.
"Mukhang wala ka nang lagnat. Makakatulog na din ako." sabi nya, at nakatulog na sya agad.Mukhang napagod sya sa pagbabantay sa akin.
Babawi ako.