[Dahyun's Pov]
"Dayana, Bakit nandito ka? Bakit namatay ang mga ilaw? Anong oras na ba?"
"Kingina." Nasabi ko na lamang matapos mamatay ang mga ilaw sa school.
"Ah. Bakit mo naman ako minumura?" Naguguluhang tanong niya sakin.
"Yung mga ilaw yung minumura ko." Napasabunot ako sa ulo ko dahil sa inis na mukhang hindi kami umabot.
"Dayana."
"Hmmm?"
"Anong oras na ba?"
"9pm"
"Omg! Magsasarado na ang school." Alam naman pala talaga niya na magsasarado na nang ganitong oras, bakit pa kasi siya nag-stay dito nang matagal?
"Sarado na kaya."
"Huh? Aabot pa tayo. Gosh! Nakatulog kasi ako. Naglilinis ako kanina tapos napagod ako kaya naman nagpahinga muna ako sa isang tabi. Hindi ko namalayan na napaidlip na pala ako dahil sa pagod."
"Anong aabot pa? Kita mong pinatay na yung mga ilaw."
"Dayana, mano-manong pinapatay mga ilaw dito."
"Huh?"
"Nawalan ata ng kuryente." Paliwanag niya sakin.
"Aish. Bakit ngayon pa?!"
"Bakit nga pala nandito ka nang ganitong oras?" Curious na pagkakatanong niya. Dahil walang kailaw-ilaw, hindi ko siya makita. Pupwesto sana ako sa isang sulok kaya kumapa-kapa na lang ako sa paligid.
"AHHH!" Biglang napairit si Sana. Nakakagulat. Saktong may nakapa akong kung anong malambot. Bag siguro ni Sana.
"Ba---Bakit?!" Gulat na tanong ko.
"Hinawakan mo ba ang watermelon ko?" Napalunok ako dahil sa tanong niya. Watermelon? Bigla akong nakaramdam nang hiya nang mapagtanto kong hindi bag ni Sana yung nahawakan ko. Gagi!
"Ah. Sorry, Sana. Akala ko bag mo 'yon!" Kabadong pagpapaliwanag ko sa kanya.
"Hmmm. Ayos lang. Pareho naman tayong babae. Nagulat lang ako. Akala ko kung ano na 'yon." Lalo akong kinabahan sa sinabi niya. Parehong babae? Feeling ko tuloy iitakin ni Sana ang kamay ko kapag nalaman niyang hindi ako babae.
"Pasensya na talaga." Namumulang ulit ko. Aminado naman akong may pagka-playboy ako, pero hindi ako manyak. Huwag kayong ano diyan.
"Ang dilim." Rinig kong sabi niya kaya naman dahan-dahan at maingat akong tumabi sa kanya.
"Nakakatakot. I mean, madilim nga."
"Matatakutin ka sa dilim?"
"Tsk. Ako? Bakit ako matatakot sa dilim? Duh. Kim Dahyu ---Dayana ata 'to." Agad na depensa ko sa sarili ko.
"Ganun ba? Sige. Dito ka muna. Ichecheck ko lang kung bukas pa yung main door ng school." Nang marinig ko ang sinabi niya, agad ko na siyang pinigilan.
BINABASA MO ANG
Yours [SaiDa Fanfic]
Fanfiction[GenderBender Dahyun x Sana] Date Started : September 16, 2020 Date Ended : October 30, 2022
![Yours [SaiDa Fanfic]](https://img.wattpad.com/cover/243409578-64-k26511.jpg)