11 : Classroom

252 14 1
                                    

[Dahyun's Pov]

Matapos ang lahat ng klase namin sa araw na 'to, naghanda na ako para sa pagbalik ko sa kwarto. Akma na sana akong lalabas ng classroom nang harangin ako ni Ms. Park.

"Ang sabi ko, sumunod sa office ko pagkatapos ng klase para sa araw na 'to." Kapag minamalas ka nga naman oh. Bakit ba kasi si Ms. Park pa ang prof para sa huling subject sa araw na 'to?

"Opo. Pupunta na nga po ako doon." Palusot ko sa kanya na agad namang lumabas para mauna nang pumunta sa office niya.

"Nagsisisi ka na ba sa kalokohan mo? Idinamay mo pa sina Sana at Momo." Rinig kong sabi ni Nayeon kaya naman napapamewang ako sa kanya.

"Epal ka kamo."

"Mas epal ka." Ganti niya pabalik.

"Aish. Nayeon, tama na ang pakikipagtalo kay Dayana." Awat ni Jeongyeon sa kanya.

"Dayana, Tara na." Yakag ni Momo sakin.

"Saan?"

"Sa office ni Ms. Park." Agad na extra naman ni Sana samin ni Momo.

"Talagang desidido kayong sumama sa office ni Ms. Park? May chance pa kayong mag-back out." Tanong ko sa kanilang dalawa.

"Ang rules ay rules, Dayana. Isa pa, kasalanan ko din naman kasi binigyan kita ng pagkain sa oras ng klase kahit na alam kong bawal kumain sa oras na 'yon." Sagot ni Momo.

"Fvcking rules." Nasabi ko na lamang.

"Huh?"

"Wala, Momo."

"Pumunta na tayo doon bago pa tayo balikan ni Ms. Park." Sabi naman ni Sana kaya naman agad na kaming pumunta sa office ni Ms. Park.

"Let's go, Dayana." Hinawakan ni Momo ang kamay ko habang naglalakad kami. Samantala, nasa likod naman namin si Sana.

Naabutan namin si Ms. Park na nakapwesto sa harapan ng table niya. Agad niya kaming pinaupo sa mga upuan sa harap.

"Sa orientation pa lang natin, binanggit ko na ang mga dapat at hindi dapat gawin. Diba?" Panimula niya samin.

"Yes, Dear ---I mean Ms. Park." Nag-peace sign ako sa kanya. Eh ano? Hindi naman kasi maipagkakaila na maganda si Ms. Park.

"Kasalanan ko po talaga. Binigyan ko ng tinapay si Dayana kahit na alam kong bawal kumain sa oras ng klase." Biglang sabi ni Momo.

"Opo, kasalanan niya." Gulat na napatingin sakin si Momo. Akala siguro niya ipagtatanggol ko siya. Duh. Sa mga palabas lang nangyayari 'yon. Hindi ito ang misyon ko.

"Kasalanan ko din po." Extra ni Sana. Isa pa 'to. Bahala sila. Kung gusto nilang akuin lahat, hindi ko sila pipigilan.

"Inosente ako, Ms. Park. Kumakain lang ako."

"Inosente? Eh bawal nga sabing kumain sa oras ng klase. Ginawa mo pa rin."

"Basta inosente ako, Ms. Park." Pagpupumilit ko.

Yours [SaiDa Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon