[Dahyun's Pov]
Habang naglalakad kami ni Sana papunta sa classroom, may mga estudyante kaming naririnig na nag-uusap tungkol sa inaakala nilang pa-event ng school.
"Ano? Ni-followback na ba kayo ng Kim Dahyun na nandon sa bulletin board?"
"Hindi pa nga, Bes. Kanina pa ako hintay nang hintay."
"Jusko, Bes. Ako rin. Baka hindi pa niya nakikita na nagfollow ako sa dami ng dumumog sa ig niya."
"Sure ako na auto-followback ako doon kapag nakita niya ang pictures ko."
"Mauuna ako sa inyo, Mga bes."
"Sakin na 'yon, Guys. Hanap na lang kayo ng iba."
Bigla akong napatingin kay Sana na seryoso lang na naglalakad kasabay ko. Kahit hindi niya sabihin, aware naman ako na naririnig niya din yung chismisan ng iba.
Ayokong bigyan ulit siya ng dahilan para isipin na hindi totoo yung nararamdaman ko para sa kanya kaya naman dali-dali kong hinawakan ang kamay niya.
Nagulat siya sa ginawa ko. May ngiting nabuo sa labi ko nang mapatingin siya sakin.
"Wala silang aasahan kay Kim Dahyun. Nahanap na ni Dahyun ang forever niya." Bulong ko kay Sana dahilan para mapangiti siya sakin.
"Alam ko, Dahyun. Kung pwede lang malaman ng lahat nang nandito 'yan eh."
"Pwede naman eh."
"Huh?"
"Guys!" Nabigla si Sana at ang iba pang estudyante sa biglaang pagsasalita ko.
"Oy. Da ---"
"Alam niyo ba na may nililigawan na ang Kim Dahyun na nakapaskil don sa bulletin board natin?" Panimula ko sa maraming estudyante na nakakarinig.
"Paano mo naman nasabi 'yan? Close kayo? Basta ka na." Sabi ng isa sa mga estudyanteng nagpi-feeling na may pag-asa siya sakin. Kasuka ang ugali eh.
"Siguro gusto mong ikaw lang nang ikaw ang laman ng mga balita dito sa school." Extra naman ng isa pa.
"Hindi kami close ng Kim Dahyun na 'yon pero kilala ko siya. May nililigawan na 'yon. Tigilan niyo na. Sa katunayan, magka-m.u na sila ng nililigawan niya." Paliwanag ko.
"M.U ka diyan. Maghihiwalay din sila ng babaeng 'yon!"
"Tama. Kung may nililigawan na siya, para pa saan yung pa-event sa school na 'to?"
"Gagi ba talaga kayo? Bakit magpopromote ng kaharutan ang school? Kung may mga pa-event man ang school na 'to, dapat yung pang-educational."
"Dayana, dami mong sinasabi. Mas marunong ka pa sa school."
"Isipin niyo ngang maigi. Siguradong-sigurado ba kayo na aware yung Kim Dahyun na 'yon na ginawa siyang pa-event sa school na 'to? Tsk. Mukhang wala ngang alam yung tao. Kung aware siya, dapat may update man lang sa ig niya tungkol sa pa-event chuchuchu na 'to."
Ay. Wait. Oo nga noh. Bakit ngayon ko lang naisip 'to? Pwedeng-pwede nga pala akong mag-post sa ig ko na hindi totoo yung event.
BINABASA MO ANG
Yours [SaiDa Fanfic]
Fanfic[GenderBender Dahyun x Sana] Date Started : September 16, 2020 Date Ended : October 30, 2022
![Yours [SaiDa Fanfic]](https://img.wattpad.com/cover/243409578-64-k26511.jpg)