[Dahyun's Pov]
"Good morning, Guys." Pagbati ni Nayeon sa lahat ng nasa loob ng classroom bago tuluyang pumuwesto sa upuan niya.
Binabawi ko na! Simula nang dumating si Nayeon, hindi na ako nagagandahan sa lahat ng binibini sa section na 'to.
Lumipas ang ilang minuto, dumating na rin ang iba pa naming kaklase. Ilang minuto na din akong nag-iisip kung bakit sa dinami-dami ng lugar na pwede naming pagkasamahan ni Nayeon, bakit dito pa? At bakit sa kalagitnaan pa ng misyon ko?!
"Ang tagal naman ni Ma'am!" Rinig kong reklamo ng kaninang ngiting-ngiti sakin.
"Nako, Jeongyeon. Malamang nananaway pa yon ng mga estudyanteng hindi naka-complete uniform." Agad na sagot ni Nayeon sa kanya. So, Jeongyeon pala ang pangalan ng ngiting-ngiti na 'yon kanina.
"Sana maging roommate tayo mamaya, Mina." Pagkakasabi naman ni Sweety Pie kay Mina. Sweety Pie muna ang itatawag ko sa kanya ngayon. Hindi ko pa alam kung anong pangalan niya eh.
"Tzuyu, Painom nga ng tubig." Rinig kong sabi ni Momo sa kaninang babae na nakasakay sa kotse. Pati ba naman dito, may buraot. Pero teka nga, magkakakilala ba sila? First day pa lang ngayon. Diba? Bakit parang close na agad 'tong mga 'to?
"Psst! Momo!" Pagtawag ko kay Momo na agad namang napatingin sakin matapos niyang makiinom sa bottled water ni Tzuyu.
"Hmmm?"
"Bakit parang magkakakilala na kayo?" Curious na tanong ko sa kanya.
"Nagkasama-sama kasi kami noong orientation para sa school year na 'to. Yung iba samin, schoolmate na noong high school katulad namin nila Sana at Mina. Hindi ka ba naka-attend last week?" Paliwanag niya sabay turo kay Mina at kay Sweety Pie. So, Sana pala ang pangalan ni Sweety Pie.
"Hindi ako naka-attend eh." Kingina ni Chaeyoung eh. Hindi sinabi sakin na may orientation palang naganap. At bakit ba hindi ako na-inform na nandito si Nayeon?
"Ganun ba? Huwag kang mag-alala. Mababait naman kaming lahat dito. Masasanay ka din. Naninibago ka lang siguro. Pero matanong kita, may alam ka naman sa ilang rules sa university na 'to kahit hindi ka naka-attend sa orientation?"
"Hmmm. Meron naman kahit konti."
"Tulad ng?" Tanong niya sakin. Kingina talaga. Ano-ano nga ba yung ibinilin sakin ni Chaeyoung?
"Hmmm. Tulad ng rules na once a week lang tayo allowed lumabas sa university para sa iba't-ibang bagay." Napakahigpit naman sa university na 'to.
"Tama. That's why kinakabahan ako na naeexcite eh. Imagine, magiging roommate mo yung ka-close mo." Nakangiting kwento sakin ni Momo. Bigla tuloy akong natigilan.
Oo nga pala. Muntik nang mawala sa isip ko yung tungkol sa kung sinong magiging roommate ko. Shet. Kinakabahan ako. Paano na lang kung mabisto ko ng magiging roommate ko?
"Pwede bang walang ka-roommate?"
"Hindi ko sigurado pero may mga fourth year na walang ka-roommate eh. Siguro kapag nasa higher year na tayo. Bakit naman? Ayaw mo ng may kasama sa kwarto? Exciting kaya."
"Exciting?" Napapakamot-ulo na tanong ko. Paano magiging exciting yung idea na may ka-roommate akong babae? Fvck. Sige. Aaminin ko na parang kinikilig ako sa idea na may magandang binibina akong magiging ka-roommate pero konti lang ha. Gagi! Ano bang iniisip ko?! Huwag niyo kong inaano.
BINABASA MO ANG
Yours [SaiDa Fanfic]
Fanfic[GenderBender Dahyun x Sana] Date Started : September 16, 2020 Date Ended : October 30, 2022