13 : At Ano?

243 18 0
                                    

[Dahyun's Pov]

"Anong ginagawa nila diyan?"

"Ayos lang kaya sila?"

"Bakit sila natutulog dito sa loob ng classroom?"

Nang imulat ko ang mata ko, nagkukumpulan na ang mga estudyante sa harapan namin ni Sana na mahimbing pa rin ang pagtulog habang nakayakap sakin.

"Ah. Eh. Sa---Sana, Gising." Halos magmadali ako sa paggalaw dahilan para magising na din si Sana na agad din namang naguluhan sa bumungad sa kanya.

Gago! Bakit andami na agad estudyante? Hindi lang kaklase namin ang nandito sa loob ng classroom, pati na rin ang iba pang estudyante mula sa ibang classroom.

"Magsilayas kayo dito. Mga chismosa!" Agad na pinagtabuyan ni Jeongyeon palabas ang ibang estudyante na nakikichismosa samin.

"Sana, Anong ginagawa niyo dito ni Dayana?" Naguguluhang tanong ni Momo samin.

"Ah. Kasi ano. Mali kayo ng iniisip, Guys. Wala kaming ginawang masama. Wala akong ginawang masama sa kanya." Pilit kong pagpapaliwanag sa kanilang lahat.

"Defensive ka masyado, Dayana. Teka. May ginawa kayong masama ha?" Epal ni Nayeon.

"Wala akong sinasabi, Bruha ka." Inis na sabi ko sa kanya na napapamewang lamang.

"Anong meron dito?" Patay na. Ayan na si Ms. Park. Mapapa-office na naman. Wala naman akong pakialam kung suki ako sa office. Ayoko lang nang mapa-office sa ganitong dahilan.

May pagka-chickboy ako pero hindi ako manyak. Mamaya niyan masira pa ang imahe ko sa mga babae.

Bigla akong natigilan sa mga inaalala ko. Teka lang. Hindi nga pala ako lalaki ngayon. Ako nga pala si Dayana.

"Sana, Anong nangyari? Bakit dito kayo natutulog?" Nagtatakang tanong naman ni Mina kay Sana.

"Dito natulog si Sana at Dayana? Anong meron? Ipaliwanag niyo, Dayana at Sana." Bungad samin ni Ms. Park.

"Pagpasensyahan niyo na. Na-locked kasi kami dito kagabi. Ako ang pinakahuling naiwan sa klase. Nakatulog ako matapos magpahinga dito. Sarado na yung school nang gisingin ako ni Dayana." Paliwanag ni Sana sa lahat.

"Bakit ikaw ang pinakahuli? Hindi ka ba sinamahan ni Momo at Dayana?" Tanong ni Ms. Park kay Sana.

"Tinulungan din naman po ako nila Momo. Nagpumilit lang talaga ako na maiwan na muna para mapag-isa. Wala silang kasalanan, Ms. Park."

"Diba ang ibinilin ko ay sabay-sabay kayong aalis matapos maglinis."

"Sorry, Ms. Park." Malungkot na pagkakasabi ni Momo.

"Kasalanan ko, Ms. Park. Ininis ko si Sana kaya naisipan niyang mapag-isa kahapon dito. Hinayaan ko lang siyang maiwan dito. Hanggang sa lumipas na ang oras, hindi pa din siya nakakabalik sa kwarto namin kaya naman napagdesisyonan kong hanapin na siya. Kinutuban ako na baka nandito pa siya. Pagdating ko, nandito nga siya. Natutulog sa sahig." Paliwanag ko kay Ms. Park.

"Tama po ang sinabi ni Dayana, Ms. Park. Nagtanong pa nga sakin si Dayana kung nakita ko ba daw si Sana. Sigurado kong hindi din nila ginusto ang nangyaring 'to." Extra ni Tzuyu dahilan para mapahinga nang malalim si Ms. Park.

Yours [SaiDa Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon