[Dahyun's Pov]
Halos magkandarapa ako sa pagtakbo dala-dala ang first-aid kit ni Sana para lang makalayo sa kanya.
"Aish! Dahyun, Ano ba? Bakit mo ginawa 'yon?! Ang tanga mo na naman. Shet!" Pinagsasampal ko ang pisnge ko sa sobrang pagsisisi sa nagawa ko kay Sana.
Parang ako mismo ang humukay ng sariling libingan ko sa ginawa kong 'yon.
Habang nakasakay sa elevator, halos mapahilata ako sa sahig dahil sa pag-iisip kung ano bang dapat kong gawin.
Minamalas ata ako ngayong araw.
Ayaw niya kasing tumigil kakadaldal kanina. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit sa dinami-dami ng paraan para mapatahimik siya, yun pa ang ginawa ko!
Gagi! Lagot ako nito kay Chaeyoung! Sigurado akong magagalit 'yon kapag nalaman niya 'to!
Hanggang sa paglabas ko ng elevator, problemadong-problemado ako.
Natigilan ako nang makasalubong ko si Ms. Park.
"Dayana, napaano yang sugat mo?" Gulat na tanong niya sakin.
"Ah. Eh. Naumpog lang po 'to."
"Sigurado ka ba? Ayos ka lang? Ingat sa susunod ha."
"Salamat, Dear. I mean, Ms. Park."
"Ayan ka na naman sa pa dear-dear mo ha. Sige na. Mauna na ako. Ingat na lang talaga sa susunod." Talagang kailangan kong mag-ingat sa susunod. Hindi lang ingat, kundi doble-ingat.
Nang makaalis si Ms. Park, nagtatakbo na akong muli sa buong paligid upang humanap ng matataguan kung saan wala akong makikitang Sana.
Pero anong gagawin ko ngayon? Hindi pwedeng habang-buhay na lang akong umiwas kay Sana dahil roommates kami.
Sigurado din ako na magtataka si Sana nang sobra. Baka kung anong isipin noon. Baka isipin niya na type ko siya. Shet!
Sa paglilibot ko sa paligid, bigla kong nakasalubong si Momo.
"Oh. Hi, Daya ---" Bago niya matapos ang pagbati sakin, hinila ko na siya paupo sa isang bench.
"Momo, Hi." Kabado pa rin na pagkakabati ko kay Momo.
"Teka. Ayos ka lang ba? Bakit pinagpapawisan ka nang sobra?"
"Ah. Wala 'to. Tumakbo lang ako."
"Bakit? May nanghahabol ba sayo?"
"Wala naman." Meron. Si kamatayan ata. Katapusan ko na ata dahil sa nagawa ko.
"Ayos ka lang ba talaga? Teka. Napaano yang sugat sa labi mo?"
"Wala lang din 'to."
"Huh? Anong wala? Ayan oh. Sugat. May sumapak ba sayo?"
"Naumpog lang ako."
"Parang hindi naman galing sa pagkakaumpog 'yan."
BINABASA MO ANG
Yours [SaiDa Fanfic]
Fanfiction[GenderBender Dahyun x Sana] Date Started : September 16, 2020 Date Ended : October 30, 2022