[Dahyun's Pov]
Hindi ko mapigilang mapaisip habang kasalukuyang kasabay kumakain sina Sana, Mina, Momo at Tzuyu.
Ano bang ginagawa ng mga 'to dito? Hindi sa nagrereklamo ko. Aminado kong nakakatuwa sa feeling na napapaligiran ako ng magagandang nilalang.
Pero nakakapagtaka din naman na parang may nasesense akong kakaibang enerhiya sa pagitan ng mga kasama ko ngayon. Idagdag pa na magkatabi ngayon si Sana at Momo na nag-away nitong nakaraan.
Bati na kaya sila? Mukhang hindi pa, may iba pa rin akong nararamdamang aura sa paglingon-lingon nila sa isa't-isa eh.
"Dayana, niyaya mo ba si Sana na sabayan kang kumain dito?" Biglang tanong ni Mina sa kalagitnaan ng pagkain namin.
"Huh? Pinuntahan kasi kami ni Momo at Sana dito. So, nagkayayaan na dito na din sila kumain."
"Ibig sabihin, si Tzuyu ang kasama mo dito?" Dagdag na tanong ni Mina.
"Ah. Eh. Parang ganun na nga."
"Niyaya ko kasi siyang sumabay sakin mag-lunch." Sambit ni Tzuyu kay Mina.
"Ganun ba? Close pala talaga kayo ni Tzuyu?" Tanong na naman ni Mina sakin.
"Siguro." Nagdadalawang-isip na sagot ko sabay lingon kay Tzuyu na ngumiti lang sakin.
"Mina, kainin mo na nga yang pagkain mo." Pagpapaalala ni Sana kay Mina.
"Salamat sa pagkain, Tzuyu." Sambit naman ni Momo.
"So, naka-move on ka na kay Sana? Si Tzuyu na ba ngayon?" Bigla akong nabilaukan sa muling tanong ni Mina.
"Asdfghj! Tubig!" Natigilan ako nang sabay na mag-abot ng bottled water sina Sana at Momo sakin.
"Ayos ka lang ba, Dayana?" Nag-aalalang tanong ni Tzuyu sakin. Imbes na bottled water mula kina Sana at Momo ang kunin ko, inabot ko yung bottled water sa tabi ni Tzuyu.
"Wew! Ayos lang ako." Sagot ko nang tuluyan na akong makainom ng tubig.
Gagi! Ikamamatay ko pa ata ang mga tanong ni Mina. Hindi ko alam kung bakit parang nao-awkward ako ngayon sa kanila. Sanay naman akong napapalibutan lagi ng magagandang babae eh.
Hindi ko nga alam kung bakit kinakabahan ako. Parang kapag nagkamali ako ng sagot, may mananakal sakin. Aish! Gusto ko lang naman makakain ng pananghalian nang matino eh. Bakit ako napunta sa sitwasyon na 'to?
"Si Tzuyu na ba talaga?" Kingina! Akala ko tapos nang magtanong si Mina. Ayaw paawat eh. Etong ex ni Chaeyoung ata ang magiging dahilan ng kamatayan ko.
"Magkaibigan lang kami ni Tzuyu."
"Oh. So, si Momo?"
"Magkaibigan din kami ni Momo."
"Si Sana pa din?" Dagdag na tanong niya. Sandali akong natigilan para mapalingon kay Sana na tahimik lang na kumakain sa pwesto niya.
Teka. Ano bang dapat kong isagot? Hindi ko naman 'to kaibigan eh. Grabe kasi 'to sakin. Mas lalong hindi naman talaga ako patay na patay sa kanya.
Kapag sinabi kong oo, magmumukha na naman akong naghahabol eh. Nakakainis na. Kapag naman sinabi kong hindi, baka maghinala si Mina. Eh anong dapat kong gawin? Kainis!
"Ah. Eh. Kasi ---" Bago ko pa matapos ang sasabihin ko, tumunog bigla ang phone ko.
"Guys, See you later. Kailangan kong sagutin 'tong tawag. Salamat sa pagkain, Tzuyu. Bye!" Sa mabilis na sandali, halos magtatakbo ako palayo sa kanila.
BINABASA MO ANG
Yours [SaiDa Fanfic]
Fanfiction[GenderBender Dahyun x Sana] Date Started : September 16, 2020 Date Ended : October 30, 2022