[Dahyun's Pov]
Hindi ko alam kung hanggang saan ang itatagal ko sa lugar na 'to. As soon as possible, kailangan magkabalikan na sila Chaeyoung at Mina, para naman makalayas na ako sa lugar na 'to.
Nang makapagpahinga ako nang ilang oras sa kama, bigla akong nakaramdam ng pagka-bored.
Siguro nagtataka kayo kung paano ako nakapagpahinga nang matiwasay ngayong may roommate akong babae. Hindi lang basta babae, si Sweety Pie 'yon!
Lumabas kasi kanina si Sweety Pie matapos iayos ang mga gamit niya. Hindi ko alam kung saan siya nagpunta. Basta alam ko maglilibot-libot lang daw siya sa loob ng university.
Teka nga. Sweety Pie? Dahyun, Focus. Maya-maya, biglang tumunog ang phone ko. Tumatawag si Chaeyoung.
"H, Sweety Pie. I mean, Chaeyoung."
"Sweety Pie ka diyan? Kim Dahyun, Tapatin mo nga ako. Ginagawa mo ba ang misyon mo diyan o nakikipagharutan ka kung kani-kanino?!"
"Both."
"Pambihira talaga. Sinasabi ko sayo, Bro. Kapag nahalata ka sa pakikipagharutan mong 'yan, masasakal talaga kita."
"Baka ikaw ang masakal ko, Chaeyoung. Bakit hindi mo ko in-inform na dito din pala mag-aaral si Nayeon?!" Hindi ko napigilang manggigil nang maalala ko ang itsura ng pabida na 'yon.
"Bakit? Papayag ka ba sa plano kung nalaman mo na dito din siya mag-aaral noong una pa lang?"
"Siyempre hindi."
"Diba! Kaya hindi ko sinabi sayo."
"Pero alam mo?!"
"Oo. Alam ko."
"Ikaw talaga ang masasakal ko niyan. Chaeyoung, Alam mo kung gaano ako kainis na makasama ang pabida na 'yon!"
"Naubusan na ako ng option eh. Tiisin mo na lang total hindi ka naman niya mamumukhaan o mahahalata."
"Gaanong pagtitiis ba ang dapat kong gawin? Hirap na hirap na nga ako mag-adjust dito lalo pa't ang dami palang magagandang binibini na nag-aaral dito."
"Pero aminin mo, Dahyun."
"Na ano?"
"Aminin mo na tuwang-tuwa ka sa ideya na napapalibutan ka ng magagandang binibini na nandiyan."
"Sobra. I mean, Konti lang. Hayop! Ginugulo mo ko, Chaeyoung. Sakto lang!"
"Oh, Diba? Kilalang-kilala kitang hayop ka. Tama ako. Kahit paano, thankful ka rin na pumayag ka sa misyon na 'to."
"Kahit na nakaka-enjoy, nakakaasar pa din dahil nandito si Nayeon."
"Galit na galit ka talaga sa kapatid mong 'yon noh."
"Hindi ko siya kapatid."
"Eh di step sister. Kapatid pa din naman 'yon."
"Ayoko din!"
"What are you doing, Step Sis? Ganon?!"
BINABASA MO ANG
Yours [SaiDa Fanfic]
Fanfic[GenderBender Dahyun x Sana] Date Started : September 16, 2020 Date Ended : October 30, 2022