55 : Gotcha!

298 20 12
                                    

[Sana's Pov]

Sa pagsakay ko ng taxi, sandali kong nilingon si Dahyun na nakatanaw lang sa pag-alis ko. Ewan ko kung nago-overthink lang ako pero may napapansin akong kakaiba sa kilos niya nitong mga nakaraang araw.

Parang may malalim siyang iniisip. Kapag tinatanong ko, ayos lang naman daw siya. Gusto ko sanang itanong sa kanya ulit kung talagang ayos lang siya kaso baka hindi pa siya ready na i-share sakin kung anong bumabagabag sa kanya kaya hinayaan ko na muna. Sana maayos na kung ano man yung bumabagabag sa kanya ngayon.

Sa pagdating ko sa restaurant ng lolo't lola ko, naabutan ko silang saktong magbubukas pa lang.

"Lolo! Lola!" Masiglang tawag ko sa kanila.

"Oh, Apo!" Excited din na pagkakasabi nila nang makita ako bago ako tuluyang tumakbo para yakapin sila nang mahigpit.

"Kumusta po kayong dalawa? Namiss ko po kayo pareho."

"Namiss ka din namin, Apo." Masayang sagot ni Lola sabay hawak sa pisnge ko.

"Wala po akong ibang gagawin ngayong araw kaya tutulungan ko kayong mag-asikaso dito sa restaurant ngayon."

"Nako. Magpahinga ka na lang, Apo. Alam namin na pagod ka sa pag-aaral mo. Teka. Nasaan si Dahyun? Hindi mo kasama?" Sambit naman ni Lolo.

"Ikaw ha, Lolo. Parang mas gusto mo pang makita si Dahyun kaysa sakin."

"Hindi sa ganon, Apo. Ikaw naman eh. Natutuwa lang ako sa manliligaw mong 'yon."

"May importante po siyang kailangan asikasuhin ngayong araw."

"Ganun ba? Mas mabuting magpahinga ka na lang talaga muna, Apo. Kaya na namin 'to ng lola mo."

"Kahit na kaya niyo, Lolo. Gusto ko pa rin kayong tulungan. Minsan na nga lang tayo magkasama eh." Pagpupumilit ko kaya wala na silang nagawa kundi hayaan akong tulungan sila sa pagbubukas ng restaurant.

Sinimulan na namin ang pag-aasikaso sa loob bago pa may dumating na mga customers. Sa totoo, konti lang talaga ang customers ng restaurant nitong mga nakaraang buwan dahil may mga bagong restaurant na malapit lang sa kinapupwestohan ng restaurant namin.

Sinabihan ko na dati sila lolo't lola na ihinto na lang ang pamamalakad sa restaurant upang magpahinga na lang sa bahay kaso ayaw nilang paawat dahil masaya daw sila sa ginagawa nila kaya hinayaan ko na.

Kahit na konti lang ang customers, masaya pa rin sila lolo't lola sa ginagawa nila kaya bakit ko hahadlangan ang kasiyahan nila.

Habang abala kami sa pag-aasikaso, biglang may sinabi si lolo na nakapagpahinto sa pagkilos ko.

"Apo, kumusta na yung part-time job mo sa bar?" Tanong ni Lolo sakin. Shet. Hindi ko pa nga pala nasasabi sa kanila na matagal na akong natanggal doon.

"Ah. Eh. Okay naman po."

"Yung totoo, Apo." Sabi naman ni Lola.

"Po?"

"Napansin namin ng lolo mo na parang hindi ka na pumapasok sa trabaho mong 'yon. Sagutin mo ang tanong namin nang totoo."

Yours [SaiDa Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon