81 : Dancin'

128 15 2
                                    

[Dahyun's Pov]

"Guys, make sure na wala tayong maiiwan na dalahin mamaya ha." Pagpapaalala ko kila Chaeyoung na abala sa pag-aasikaso ng mga dadalhin namin sa bakasyon namin.

"Oh, mukhang may lakad ka." Napatingin sakin si Mommy M.

"Ah. Opo, Mommy M. Susunduin ko si Tzuyu sa mansion nila."

"Dumadalas ata ang pagsundo mo kay Tzuyu ha. Ayiiieeeh!" Panga-asar ni Jeongyeon sakin.

"Grabe. Issue ka, Jeongyeon." Extra ni Nayeon sabay hampas ng slight sa braso ni Jeongyeon.

"Oy, Nayeon. Sinusundo kita palagi. Alam ko 'yang mga ganyang galawan." Proud pang pagkakasabi ni Jeongyeon.

"Mommy M, ano naman pong masasabi niyo na palaging sinusundo ni Jeongyeon noon si Nayeon sa dati niyong mansion?" Tanong ni Chaeyoung kay Mommy M.

"Hmmm..." Panimula ni Mommy M kaya abang na abang sila Jeongyeon at Nayeon.

"Ang masasabi ko, sana ako naman ang sunduin ni Jeongyeon." Sagot ni Mommy M dahilan para agad na mapapalakpak si Jeongyeon.

"Nako. Ako pong bahala, Mommy M. Kahit kayo na lang ang palaging sunduin ko, kahit maglakad na lang si Nayeon papasok sa school. Tawagan o itext niyo lang po ako, g agad ako." Napa-pout si Nayeon kay Jeongyeon dahilan para matawa si Mommy M.

"May naisip ako, ano kaya kung sumama kayo ni Nayeon sakin mag-grocery pagkatapos ng bakasyon natin?" Suggestion ni Mommy M kila Nayeon at Jeongyeon.

"G!" Sabay na sagot nilang dalawa.

"Bro, kawawa naman tayo. Hindi tayo kasama." Biglang umakbay si Chaeyoung sakin.

"Remember, may Mina ka." Matipid kong sagot sabay alis ng pagkaka-akbay niya sakin.

"May Tzuyu ka naman." Dagdag ni Chaeyoung kaya naman napakunot-noo ako.

"Nako, tantanan niyo nga kami ni Tzuyu. We're good friends. Okay?" Paglilinaw ko sa kanila.

"Sa ngayon." Panga-asar din ni Nayeon.

"Hay nako. Makaalis na nga bago pa mapunta kung saan ang usapan na 'to." Napapailing na sabi ko bago tuluyang lumabas ng bahay.

Habang nagmamaneho, hindi ko maiwasang mapangiti dahil hindi ko in-expect na magkakaroon ng sigla ang bahay na ibinigay nila Nayeon at Mommy M sakin. Parang kailan lang noong huling beses na nagmukmok ako sa loob ng kwarto.

Tuluyan nang natanggap ni Mommy M si Jeongyeon para kay Nayeon. Magandang ideya din ang suggestion ni Mommy M kanina na magbonding sila sa pamamagitan ng paggo-grocery together para mas magkakilala pa sila.

Si Mina at Chaeyoung? Ayon, todo kilig pa rin. Kahit wala na kaming koneksyon ni Sana, nanatiling maganda ang relasyon nila Mina at Chaeyoung. Dapat lang, ang dami ko kayang pinagdaanan para lang makabawi sa nagawa kong kasalanan sa kanila noon. Isa pa, masaya talaga sila sa isa't-isa.

Nang dumating ako sa labas ng mansion nila Tzuyu, naabutan ko na siyang naghihintay sa labas ng gate. Dali-dali akong lumabas para lapitan siya.

"Hey, Tzuyu. Kanina ka pa naghihintay diyan? Dapat hinintay mo na lang ako sa loob ng mansion niyo. Nakakahiya naman kila Tito at Tita. Hindi kita naipagpaalam nang personal."

Yours [SaiDa Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon