[Dahyun's Pov]
Matapos maglakad-lakad sa buong university kasama si Momo, minabuti kong bumalik na sa kwarto namin ni Sana. Bwisit na 'yan. Para lang makaiwas kay Sweety Pie, parang napa-date ako kay Momo.
Sa pagsakay ko ng elevator, nakasabay ko si Jeongyeon. Nakakabinging katahimikan ang bumungad samin.
"Ahm." Hanggang sa magsimula siyang magsalita.
"Hmmm? "
"Galit ka ba kay Nayeon?" Napatingin ako sa kanya dahil sa nakakalokong tanong niya.
"Tinatanong pa ba 'yon? I mean, Bakit mo natanong?"
"Wala naman. Napansin ko lang na parang hindi niyo gusto ang isa't-isa."
"Mabuti naman napansin mo."
"Huh?"
"Ah. Wala. Ang sabi ko, hulaan mo."
"Pasensya ka na ha."
"Tungkol saan?"
"Tungkol sa paglipat mo ng room. Binubulabog ba ni Sana ang buhay mo?" Teka nga. Bakit ba parang ang bait ng hayop na 'to sakin ngayon? Matapos nila akong palipatin ng kwarto.
"Mas gusto kong lumipat kaysa makasama si Nayeon."
"Ako din. Gusto ko talagang lumipat para maging roommate siya." Muli akong napatingin sa kanya.
"Kaano-ano mo ba si Nayeon?"
"Kaibigan?" Parang hindi ko naman siya nakikita noon na nakakasama ni Nayeon eh. Sa pagkakakilala ko sa tulad ng demonyitang 'yon, hindi tulad ni Jeongyeon ang trip niyang tropahin.
"Sige. Bahala ka. Wala namang kaso sakin kung kaibigan o kaaway mo ba si Nayeon." Nang magbukas ang elevator, agad na akong lumabas para maglakad pabalik sa kwarto.
Sa pagbukas ko ng pinto, dilim ang tumambad sakin. Bubuksan ko na sana yung ilaw kaso biglang may naunang magbukas nito. Tumambad sa harapan ko si Sana na naka-dekwatro habang nakaupo sa gilid ng kama niya.
"Oh. Hi, Sana."
"Bakit ngayon ka lang?" Seryosong tanong niya.
"Ah. Naglibot pa kasi kami ni Momo."
"Ganun ba? Sayang. Hindi ako nakasama sa inyo."
"Hindi ka naman talaga kasama."
"Huh?"
"Wala. Bakit hindi ka pa natutulog? Gabi na eh." Tanong ko sabay pwesto sa kama ko.
"Hinihintay kita eh." Napalingon ako sa kanya na nakatingin din sakin.
"At bakit mo naman ako hinihintay?"
"Para may kausap ako dito sa kwarto."
"At sa tingin mo makikipag-usap ako sayo?"
BINABASA MO ANG
Yours [SaiDa Fanfic]
Fanfiction[GenderBender Dahyun x Sana] Date Started : September 16, 2020 Date Ended : October 30, 2022