[Dahyun's Pov]
"Okay, fine! Pa-order na lang ng gas." Aish. Hanggang ngayon, ang kulit pa rin niya. Naniwala ba talaga siya na nagdedeliver ako ng gas?
"I'm busy, Miss."
"Dahyun, come on. Alam kong ikaw 'yan. Huli ka na eh. Stop walking away from me. Hindi mo ba alam na ang haba ng nilakad ko? Tapos namasahe pa ako sa taxi para lang masundan ang boyfriend ni Ms.Park."
"Ay. Ganon? You're here for Dokyeom?" Huminto ako sa paglalakad para harapin siya.
"Dokyeom?"
"Boyfriend ni Ms.Park."
"Ah. Okay, yung boyfriend pala ni Ms.Park."
"So you're here for Dokyeom, right?"
"Ha?" Confused na tanong niya.
"Nagwapo-han ka siguro kay Dokyeom." Napa-pamewang na sabi ko sa kanya dahilan para mapakunot-noo siya.
Ano bang sinasabi mo, Dahyun? Of course, nandito ako para sayo. Malakas ang kutob ko na may alam si Ms.Park sa totoong nangyari sayo kaya nandito ako."
"Why?"
"Why? Are you serious, Dahyun? I'm here because I miss you. I love you so much to the point that it hurts to wake up everyday without you!"
"Sana..."
"Ano? Itatanggi mo pa ba na ikaw 'yan? For fvck's sake, araw-araw kong hinihiling na sana magkaroon ng himala. Kung minsan napapanaginipan kong nagbalik ka na para sakin, pero puro sakit lang din ang bumabalot sakin sa tuwing magigising ako dahil alam kong panaginip lang lahat ng 'yon!"
"Iniisip mo pa rin na buhay pa ako kahit nagpositive na katawan ko yung natagpuang bangkay sa loob ng ambulansya?"
"Una pa lang, hindi na ako naniwala. Ayokong maniwala. Hindi ko kayang paniwalaan 'yon dahil araw-araw kong hindi matanggap na wala ka na. Tell me, si Ms.Park ba ang may pakana ng lahat ng 'to?"
"Walang kasalanan dito si Ms.Park. Sa totoo, siya pa nga ang tumulong sakin. Iniligtas niya ako sa plano ng Dad ni Momo na pasabugin ang ambulansyang kinasasakyan ko noon. Bago pa ako tuluyang mapahamak, ginawa ni Ms.Park ang lahat ng makakaya niya. Muntik pa siyang madamay dahil nagtamo din siya ng sugat sa pakikipaglaban sa tauhan ng Dad ni Momo."
"Then what happened? Bakit hindi ka nagpakita samin noon? Bakit hindi mo sinabi sakin na buhay ka?"
"I'm sorry, Sana. Ako ang nag-utos kay Ms.Park na gawan ng paraan ang resulta ng pag-examine sa bangkay na inakala niyong akin. Bangkay 'yon ng police officer na siyang tauhan ng Dad ni Momo."
"So that's why hindi mahanap ng mga otoridad kung nasaan si Police Officer Ong. Bakit mo ginawa 'yon?"
"Dahil ayokong madamay pa ulit kayo. Napagkasunduan namin ni Ms.Park na manatili na muna akong nakatago sa lugar na 'to. Kailangan ko munang makasigurado na wala ng ibang kapahamakan pa ang pwedeng mangyari sakin na maaaring ikadamay niyo na naman."
"Tapos noong nakasigurado kang wala ng ibang may masamang balak sayo, bakit hindi ka bumalik? Isang buwan kaming nagluksa dahil sa pagkawala mo."
![](https://img.wattpad.com/cover/243409578-288-k26511.jpg)
BINABASA MO ANG
Yours [SaiDa Fanfic]
Fanfiction[GenderBender Dahyun x Sana] Date Started : September 16, 2020 Date Ended : October 30, 2022