[Sana's Pov]
Sa pagpasok ko sa loob ng school, bigla akong tinawag ni Tzuyu.
"Hey, Sana."
"Oh, Tzuyu. Good morning."
"Halos sabay tayong dumating dito sa school kani-kanina. Nakita ko na ihinatid ka ni Hee---"
"Ssshhh. Tzuyu, huwag kang maingay. Hindi pwedeng makahalata si Momo na may alam ka sa mga tunay na nangyayari." Paliwanag ko sa kanya sabay lingon sa paligid.
"Oh, I'm sorry. Oo nga pala. So ayun, nakita nga kita kanina."
"Ihinatid niya ako dito kasi 'yun ang utos ni Momo. Speaking of Momo, mukhang wala pa siya dito sa school."
"Pwede bang humingi ng pabor, Sana?"
"Huh? Ano 'yon?"
"Sa totoo, kasama ko si Dahyun kanina. Muntik niya na kayong makita nang magkasama ni Hee---Sorry. Basta, pwede bang next time siguraduhin nating hindi kayo makikita ni Dahyun nang magkasama? Don't get me wrong, Sana. Alam natin pareho na hindi pa okay si Dahyun na makita kang may kasamang iba." Paliwanag ni Tzuyu sakin.
"Noted, Tzuyu. No worries. Naiintindihan kita. Alam ko yung pakiramdam na ayaw mong makitang masaktan yung taong mahal mo."
"Thank you, Sana. Sure ka na ba talaga sa ganitong sitwasyon? I mean, ang unfair din sa part mo. Bakit 'di mo na lang aminin ang totoo kay Dahyun? Hindi pa huli ang lahat, Sana."
"Natatakot ako."
"What do you mean?"
"Nasabi ko na sayo noon. Natatakot ako na masaktan si Dahyun. Hindi lang 'yon, natatakot din ako na masaktan ang iba ko pang mahal sa buhay. Isang maling galaw lang, Tzuyu. Posibleng may masaktan. To be honest, marami nang nasaktan."
"And hahayaan na lang natin si Momo na magtagumpay sa mga plano niya? Magpapakontrol ka na lang ba sa kanya habang buhay? Sana, nakaka-frustrate din na alam ko yung totoo pero wala akong magawa."
"Tzuyu, kaya natin 'to. Okay? Isa pa, tiwala akong mas makakabuti na kayo na lang ni Dahyun. Mas kaya mo siyang alagaan, protektahan, intindihin, at mahalin. Hindi tulad ko na madaling sumuko."
"Don't say that, Sana. Kung madali kang sumuko, eh di sana tuluyan mo nang hinayaan si Momo na saktan ang mga mahal mo sa buhay. Matapang ka, Sana. Ginagawa mo lahat ng makakaya mo para sa ibang tao."
"Basta ituloy na lang muna natin ang plano. Okay? Hindi pwedeng malaman ni Momo na may alam ka dito. Just act normal kapag nandiyan siya. Please be careful, Tzuyu. Hindi basta-basta si Momo. I'm sorry, nadamay ka pa dito."
"No worries, Sana. I can take care of myself. At the end of the day, hindi natin hahayaan na mapunta sa wala ang lahat ng sakripisyo mo."
"Ikaw nang bahala kay Dahyun ha."
"Sana..."
"Alam kong balang araw, magiging kayo talaga. Hindi imposible 'yon. Mabait ka naman. Hindi mahihirapan si Dahyun na matutunan kang mahalin." Tumango na lang si Tzuyu bago tuluyang lumakad palayo.
BINABASA MO ANG
Yours [SaiDa Fanfic]
Fanfiction[GenderBender Dahyun x Sana] Date Started : September 16, 2020 Date Ended : October 30, 2022