77 : Paano? Kailan Pa?

298 18 0
                                    

[Nayeon's Pov]

Initext ako ni Chaeyoung na magkasama na sila ni Dahyun pero kahit pa alam kong nasa maayos na ang kalagayan ni Dahyun, hindi pa rin ako mapakali.

Gabi na nang magreply si Dahyun sa text ko. Alalang-alala talaga ako sa kung saan siya nagpunta matapos masaktan nang dahil kay Sana.

"Mabuti naisipan mo pang sumagot sa text ko, Dahyun. Alam mo bang kanina pa ako naghihintay na magreply ka? Papaluin kita diyan eh. Paano kung napaano ka kanina sa pagtakbo mo? Kumusta?!"

"Chill, Nayeon. Grabe namang gigil mo 'yan." Reply niya sakin.

"Natural, manggigigil talaga ako matapos kang saktan ni Sana. Akala ko pa naman matino siya. Hindi ganon ang pagkakakilala ko sa kanya eh. Matapos mo siyang ipaglaban kay Dad, iiwan ka niya sa ere nang ganon-ganon na lang? Sakalin ko siya eh!"

"Nayeon, it's okay."

"It's okay ka diyan. Hindi lang basta pang-iiwan sa ere yung ginawa niya sayo eh. Pinaasa ka niya. Ang lakas pa ng loob niyang sabihin na wala lang sa kanya ang lahat ng pinagsamahan niyo. Pag-umpugin ko sila ng bago niya eh. Nako, pasalamat lang siya na hinila na ako ni Jeongyeon kundi malilintikan talaga siya sakin!"

"Hayaan na natin 'yon. Nangyari na eh. Tanggap ko na rin naman. Naiintindihan ko nang mukhang hindi talaga kami ang para sa isa't-isa. Sa ngayon, mas gusto ko na lang na magsimula ulit."

"Mukhang hindi naman siya mahal ng ipinalit niya sayo eh. Hayaan mo, kakarmahin din siya. Pero hindi pa rin mawawala ang gigil ko sa kanya. Baka masabunutan ko pa siya sa school kapag nagkasalubong kami eh!"

"Nayeon, bakit parang mas galit ka pa kaysa sakin? Haha. Ayos lang talaga ako. Kung ako sayo, huwag mo na siyang intindihin. Sige ka, lalo kang papangit."

"Papangit ka diyan. Mas pangit ka! Bilang kapatid mo, ako lang dapat ang umaaway sayo eh. Pangit ka-bonding ni Sana. Tsk!"

"Hoy! Sinasabi mo ba na gusto mong ikaw lang ang umaaway sakin kaya ka nagagalit kay Sana?"

"Ganun na nga."

"Aish. Sabi ko na nga ba eh, hindi ka talaga concern sakin."

"Eto naman 'di na mabiro. Siyempre, naiinis ako sa kanya kasi binitawan ka na lang niya nang ganon-ganon. Ekis dapat tayo sa mga paasa na 'yan!"

"Ah. Basta, Nayeon. I-promise mo sakin na hindi ka na makikipagbardagulan sa kanya kapag nagkita ulit kayo. Hindi tayo makaka-move on hangga't hindi natin kinakalimutan yung mga nangyari. Okay?"

"Sige na. Hindi ko na siya iintindihin."

"Promise?"

"Promise!"

"Ayown. Salamat naman! Oy, pupunta ko diyan nang maaga bukas ha."

"Ha? Seryoso ka, Dahyun? Bakit? Paano si Dad? Hindi ba't nagtatago ka mula sa kanya?"

"Naisip ko, wala namang mangyayari kung puro tago lang ako. Isa pa, bakit ako magtatago? Wala naman akong masamang ginawa. Don't worry, kaya ko na 'to. Gusto ko sana kayong bisitahin ni Mom diyan."

Yours [SaiDa Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon