15 : Libre

246 17 8
                                    

[Dahyun's Pov]

Naalipungatan ako sa kung anong ingay na narinig ko. Paglingon ko sa pinagmulan ng ingay, hindi ko maiwasang mamula.

Sino ba namang lalaki ang hindi magugulat kapag nakita mong nakabalot lang ng twalya ang katawan ng babaeng roommate mo?!

Nang magtagpo ang mata namin, halos ingudngod ko ang mukha ko sa unan ko para lang hindi siya makita.

Relax, Dahyun. Kunwari tulog ka pa. Kunwari hindi mo siya nakita. Kunwari hindi nagtagpo ang mata niyong dalawa.

Pinilit kong paniwalain ang sarili ko na iisipin niyang tulog pa talaga ako hanggang sa biglaan niya akong gulatin sa pamamagitan ng pagdagan sakin.

"Gageu! Lumayo ka sakin, Sana!"

"Dayana, Huwag kang magtulog-tulugan diyan." Rinig kong sabi niya nang may halong pag-giggle.

"Sinasabi ko sayo, Sana! Kapag natanggal-tanggal yang twalyang nakatapis sayo!" Kabadong sabi ko sabay tulak sa kanya nang slight.

"Eh ano naman? Jusko, Dayana. Pareho naman tayong babae. Ano naman kung matanggal 'tong twalya? May ganito ka rin naman."

"Wala akong ganyan. I mean, huwag mo kong ginaganyan. Kahit na ba pareho tayong babae, huwag mo pa rin pinapakita-kita sakin 'yan. Jusko po!" Halos umangat ang dugo ko sa ulo dahil sa kaba sa pinaggagagawa niya.

"Hmmp! Sungit mo na naman sakin. Parang kaninang umaga lang eh close na close na tayo." Nakapamewang na sambit niya bago tuluyang tumayo sa harapan ko.

"Close ba tayo? Duh."

"Sabay na tayong magdinner mamaya." Yakag niya sakin.

"Ayoko." Matipid na sagot ko sabay balik ulit sa higaan ko.

"Aish. Magdamag ka na lang bang hihiga diyan? Pagbigyan mo na ako. Lumalalim na ang gabi oh. Sabay na tayong magdinner."

"Libre mo?" Tanong ko kaya naman agad niyang kinuha ang wallet niya.

"Wait. Check ko lang wallet ko." Aish. Ayan na naman siya. Kahit wala nang pera, pupwersahin pa rin ang sarili gumastos para sa iba. Cup noodles na naman ang kakainin niya.

"Fine. Papayag ako sa isang kondisyon."

"Talaga? Anong kondisyon?"

"Papayag ako na sumabay sayo sa pagkain ng dinner kung magpapalibre ka sakin."

"Hala. Kahit huwag mo na akong ilibre, Dayana." Mabilis niyang pagtanggi sakin.

"Yun ang kondisyon ko."

"Pero Dayana ---"

"Hindi mabuting puro cup noodles lang ang kakainin mo. Makakasama sa health mo 'yan."

"Concern ka sakin?" Napapangiting tanong niya kaya napakunot-noo ako sa kanya.

"Habang buhay ka na lang palang magcup noodles!"

"Biro lang eh. Eto naman galit agad." Natatawang sabi niya sakin. Nagsabi lang ako na masama sa health niya na puro cup noodles ang kainin, concern na agad? As if namang may pakialam talaga ako sa kanya.

Yours [SaiDa Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon