73 : Akala Ko

247 15 17
                                    

[Dahyun's Pov]

"Dahyun!" Rinig kong pagtawag nila Chaeyoung sa pangalan ko. Dahil hindi ko alam kung anong sasabihin kay Sana matapos niyang aminin sakin na totoong may relasyon sila ng lalaking naabutan kong kasama't kahawak-kamay niya, nagtatakbo ako.

Hindi ko sukat akalain na 'yun ang bubungad sakin sa muling pagkikita naming dalawa.

Ang buong akala ko, magkakaayos kami. Akala ko maibabalik namin yung dating samahan namin. Akala ko magpapahinga lang kami mula sa isa't-isa. Akala ko bibigyan lang namin ng tyansa ang isa't-isa na makapagisip-isip pansamantala.

Pero bakit ganon? Kasama ba sa pagisip-isip niya na palitan ako? Ganon na lang ba talaga kadali para sa kanya na kalimutan ako? Wala lang ba sa kanya ang lahat ng pinagsamahan naming dalawa?

Takbo. Takbo lang nang takbo. Pakiramdam ko, parang gusto kong magpakalayo-layo. Parang gusto kong ibaon ang sarili ko sa lupa dahil sa nararamdaman kong 'to.

Hindi ganon si Sana. Hindi ganon ang pagkakakilala ko sa kanya. Kahit na noong inamin niya sakin na may relasyon nga sila ng lalaking kasama niya, pilit ko pa ring initatatak sa isip ko na hindi niya 'yon kayang gawin. Hindi ba talaga? O baka nagkamali lang ako ng pagkakakilala sa kanya?

Hindi ganon si Sana. Hindi siya sinungaling. Hindi siya manloloko. Galit siya sa mga manloloko.

Napahinto ako sa pagtakbo nang maisip kong baka nga nag-assume lang ako na meron talaga akong pag-asa sa kanya.

"Sana..." Naupo na lamang ako sa bench sa isang parke. Hindi ko maiwasang mapalingon sa ibang tao na ine-enjoy ang bonding nila kasama ng mahal nila sa buhay.

Bigla kong naalala sa mga pamilyang namataan ko dito sa parke ang pangako ko kay Sana na balang araw ay magkakaroon kaming dalawa nang masaya at buong pamilya, kasama ang asong papangalanan naming Browny.

Sa tuwing maaalala ko si Sana na kahawak-kamay ang lalaking 'yon, parang may kumikirot sa puso ko. Pinatunayan ko ba kay Sana na mahina ako noong hinayaan ko siyang umagwat sakin? Nang dahil ba doon, naisip niya na hindi ko siya ipinaglaban?

Tuluyan nang namuo ang luha sa mata ko. Gusto ko man na pigilan ang pagbagsak ng luha ko, hindi ko maiwasang mapayuko. Ayokong may makakita na umiiyak ako. Hindi umiiyak ang isang Kim Dahyun. Matapang siya. Kailangan niyang maging matapang.

Sa pagyuko ko, tuluyan nang bumagsak ang luha ko kaya minabuti kong lumakad na paalis. Payuko lamang akong naglakad. Lumakad ako nang lumakad hanggang sa makarinig ako ng malakas na busina ng sasakyan.

Sa paglingon ko, nanlaki ang mata ko nang may makita akong paparating na mabilis na kotse. Sa kakayuko ko sa paglakad, hindi ko pala namalayan na nakaabot na ako sa tabing kalsada.

Bago pa ako mahagip ng sasakyan na paparating, nakaramdam ako ng malakas na pwersa nang paghila. Agad akong natumba sa sahig kasabay ng kung sinong humila sakin.

"Ouch! Sinong ---Tzuyu?" Nagulat ako nang makitang nakaupo na din sa sahig si Tzuyu.

"Are you okay, Dahyun?!" Nag-aalalang tanong niya sabay lapit sakin.

"Ba---Bakit nandito ka?"

"Hinanap ka namin ni Chaeyoung. Naghiwalay kami ng daan para mas mapadali ang paghanap sayo. Ayos ka lang ba? Muntik ka nang mamatay sa ginawa mong 'yon. Ano ba, Dahyun?" Ramdam ko ang pinaghalong inis at pag-alala sa boses niya.

Yours [SaiDa Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon