[Dahyun's Pov]
"Paano? Mauna na kami ni Jeongyeon. Tawagan mo lang ako o i-text kapag may kailangan ka. Kapag kailangan mo ng extra na pera, walang problema sakin 'yan." Sabi ni Nayeon.
"Parang sugarmommy ang datingan ha." Extra ni Chaeyoung kaya napatingin nang masama si Jeongyeon sa kanya.
"Bansot!" Biglang sabi ni Jeongyeon kay Chaeyoung.
"Aba? Dahyun, narinig mo sinabi ni Dora?" Sambit naman ni Chaeyoung.
"Dora?" Curious na tanong ko.
"Kahawig kasi ng buhok niya yung buhok ni Dora." Agad akong napatingin kay Jeongyeon. Ay. Kahawig nga.
"Tinawag mo ba akong Dora?" Nakapamewang na tanong ni Jeongyeon.
"Dahyun, Alam mo. Hindi madaldal o palaasar si Jeongyeon. Tanging 'yang bestfriend mo lang ang pinatulan nito sa pang-aasar." Natatawang kwento ni Nayeon sabay tingin sa dalawa na masama ang tingin sa isa't-isa.
"Chaeyoung, manahimik ka nga muna diyan. Kahit kailan talaga, kaasaran mo na lahat." Saway ko kay Chaeyoung na nanahimik na lang sa sulok pero bago 'yon, dumila muna siya para asarin lalo si Jeongyeon.
"Aalis na muna kami ni Jeongyeon. Ingat kayo dito. Tawag o text ka lang kapag may kailangan ka. Nandiyan na rin yung groceries na pinabili ko kay Jeongyeon kanina." Agad na naghanda sa pag-alis sina Nayeon at Jeongyeon.
"Wait. Diba may klase kayo kanina? Hindi kayo pumasok?" Tanong ko sa kanilang dalawa.
"Hmmm. Meron. Pero hayaan mo na 'yon. Mas mahalagang matulungan ka namin kahit paano." Sagot ni Nayeon sakin.
"Nayeon, kakabasa ko lang sa groupchat ng section natin na gusto ka nilang tanggalin sa pagka-presidente ng klase." Rinig kong sabi ni Jeongyeon kay Nayeon sabay pakita ng phone.
"Ganon? Okay. Fine. Hayaan mo sila. As if namang may pakialam ako. Bakit? Gusto nila akong tanggalin dahil related ako kay Dahyun? Kung gusto nila akong tanggalin, ayos lang." Matapang na sagot ni Nayeon.
"Nayeon, Paano sila Dad?" Nag-aalalang tanong ko.
"Anong paano sila Dad?" Tanong din niya sakin.
"Alam naman natin kung gaano ka-proud sila Dad sa achievements mo. Paano kung malaman nila na may posibilidad na matanggal ka sa pwesto mo bilang presidente sa klase?"
"It's okay, Dahyun. Kaya ko nang i-handle ang mga bagay na 'yon. Sa ngayon, huwag ka munang mag-alala sa kung ano-ano. Magpahinga ka muna dito. Magmuni-muni ka. Magbonding kayo ng bestfriend mong bansot este si Chaeyoung."
"Grabe na 'tong dalawang 'to, Dahyun. Diba palagi mong kinukwento sakin noon na ang hangin-hangin ng kapatid mong 'yan?" Napataas-kilay ako sa sinabi ni Chaeyoung.
Gagi. Pahamak 'tong si Chaeyoung.
"Ay. Ganon? Mahangin ako?" Nakapamewang na tanong ni Nayeon sakin kaya bahagya akong natawa.
"Bakit ko naman sasabihing mahangin ka, Nayeon? Huwag mo nang intindihin ang sinabi ni Chaeyoung. Gutom lang 'to kaya ganito." Kinurot ko sa tagiliran si Chaeyoung.
BINABASA MO ANG
Yours [SaiDa Fanfic]
Fiksi Penggemar[GenderBender Dahyun x Sana] Date Started : September 16, 2020 Date Ended : October 30, 2022