A|N : Support niyo yung new tiktok account ko for ml contents. @strawlherry yung acc ko. Comment niyo 'pag done na para ma-followback ko kayo. Labyu. Thanks.
[Sana's Pov]
Sa buong biyahe namin papunta sa mansion ng magulang ni Dahyun, ramdam na ramdam ko yung awkward atmosphere sa pagitan naming dalawa.
Ewan ko lang ha. Feeling ko, ramdam din niya 'yon. Maya't-maya ko naalala yung muntik nang mangyari kanina.
Bigla ko na namang naalala yung muntikan ko nang masabi sa kanya kanina.
"Gusto din kitang hali---"
Kingina. Sana, ang harot-harot mo. Ni hindi ko nga alam kung anong pumasok sa isip ko noong mga sandaling 'yon.
Ang lakas ng loob kong mangako sa sarili ko na hinding-hindi ako mage-entertain ng kahit sinong lalaki na manligaw o magbigay ng motibo sakin dahil masaya na akong makasama ang lolo at lola ko hanggang sa huling hininga ko.
Pero ano 'to ngayon? Hindi ko maipaliwanag kung bakit ramdam ko yung sincerity sa mga sinabi ni Dahyun sakin kanina kahit na alam kong malaki ang chance na pinagtitripan lang talaga niya ako.
Kahit na alam kong malaki ang posibilidad na gusto niya lang akong idagdag sa mga babaeng napaiyak niya noon, parang gusto ko pa rin siyang pagkatiwalaan.
"Nandito na tayo, Sana." Nahinto ang pagmumuni-muni ko nang bigla siyang magsalita.
Bumukas ang isang malaking gate bago tuluyang makapasok ang kotse na sinasakyan namin sa loob.
"Huh? Ah. Okay." Matipid na pagkakasabi ko dahilan para bumaba na siya ng kotse.
Sandali akong naghintay para pagbuksan niya ako ulit ng pinto ng kotse kaso nagkamali ako.
Nanatili siyang nakatayo sa labas habang naghihintay sakin na kusang bumaba.
Dali-dali na akong bumaba para maabutan siyang nagsimula nang maglakad. May mga kasambahay at tila gwardiya na naglalakad-lakad sa paligid.
Habang sumusunod ako sa kanya, hindi ko maiwasang maisip na parang ang weird niya bigla.
Parang kanina lang, ang gentleman niya sakin tapos bigla na namang nagbago yung ipinapakita niya.
"Sumunod ka lang sakin, Sana." Rinig kong pagkakasabi niya kaya inituloy ko ang pagsunod sa kung saan siya magpunta.
Hindi ko maiwasang mamangha sa mga nakikita ko. Ang laki naman pala talaga ng bahay ng magulang niya. Gets ko na kung bakit tinatawag nilang mansion ang lugar na 'to.
Yung totoo? Anak ba ng presidente si Dahyun? Obvious na obvious na mayaman ang pamilya nila eh. May mga mamahaling sasakyan din akong natanawan kanina sa parking area.
"Welcome, Brother!" Masiglang pagbati samin ni Nayeon.
"Don't touch me, Nayeon. Brother ka diyan." Cold na pagkakasagot ni Dahyun habang pilit na umiiwas sa yakap ni Nayeon.
"Hi, Nayeon." Pagbati ko sa kanya na agad namang napangiti sakin.
"Sana, Welcome dito sa mansion."
BINABASA MO ANG
Yours [SaiDa Fanfic]
Fanfiction[GenderBender Dahyun x Sana] Date Started : September 16, 2020 Date Ended : October 30, 2022