88 : I'm really sorry

170 9 13
                                    

[Dahyun's Pov]

"Sana!" Napamulat ako habang binabanggit ang pangalan ni Sana. Halos mapahawak ako sa dibdib ko sa sobrang kaba.

Isang masamang panaginip lang pala. Akala ko nakagawa na ako ng masama sa babaeng mahal ko. Ano bang klaseng panaginip 'yon? Ang weird, si Momo na biglang naging si Sana.

"Gising ka na pala." Mas nagulat ako nang biglang may nagsalita sa tabi ko. Nanlaki ang mata ko nang makita si Momo na nakayakap sakin nang mahigpit habang magkatabi kaming nakahiga sa kama.

"What the...Momo? Damn! Anong ginagawa mo dito?!" Agad akong lumayo sa kanya dahilan para mapabangon siya sa kinahihigaan niya.

"Don't tell me, nakalimutan mo na yung mga ginawa natin kagabi?" Napakunot-noo ako habang pinagmamasdan siyang may balot na kumot sa katawan.

"Mga ginawa? What do you mean? Anong ginagawa ko dito? Ba--Bakit tayo magkatabi sa kama? Don't tell me...?" Kinakabahan ako sa isasagot niya. Pero mas kinabahan ako nang mapagtanto kong wala akong saplot sa katawan sa ilalim ng kumot na ngayo'y pinaghahatian namin ni Momo.

"So, hindi mo talaga naalala. Nakakalungkot naman. Ang taas pa naman ng energy mo kagabi." Napalunok ako nang bumangon siya sa kama. Dali-dali akong nagtakip ng mata nang tanggalin niya ang kumot na nakabalot sa katawan niya.

"Ah. Eh. Bakit ka nakahubad? Magsuot ka nga ng damit, Momo."

"Hindi pa ba obvious kung bakit? Tinatanong mo talaga ako, nakahubad ka rin naman sa ilalim ng kumot." Seryosong sagot niya habang abala sa pagsusuot ng damit. Minabuti kong umiwas ng tingin dahil hindi tama ang mga nangyayaring 'to.

"Mali 'to, Momo. I'm really sorry. Kung ano man ang nangyari, patawarin mo ko. Mahal ko si Sana, hindi dapat ako nagpadala sa tukso." Hindi ko alam kung ano bang dapat kong unahing gawin sa mga oras na 'to.

"Kung mahal mo talaga siya, hindi ka magpapaapekto sa tukso. Dahyun, tuluyan mo nang tapusin kung anong meron sa inyo ni Sana. Nandito naman ako, dito ka na lang sakin." Lumapit siya sakin sabay hawak sa pisnge ko kaya agad akong umiwas sa kanya.

"Momo, ano bang sinasabi mo? We're friends."

"Hindi ginagawa ng magkaibigan ang ginawa natin, Dahyun. Anong gagawin mo ngayong nagbigay ka ng motibo sakin kagabi? Gustong-gusto mo yung ginawa natin. Hindi maipagkakaila na nag-enjoy ka."

"It's because I thought you're Sana. Hindi ko alam kung anong inilagay mo sa inumin ko. Isa lang ang masasabi ko, patawarin mo ko. Kung ano man 'yang nararamdaman mo para sakin, hindi ko kayang ibalik dahil mahal ko si Sana."

"Sa tingin mo, mapapatawad ka niya kapag nalaman niya kung paano mo siya pinagtaksilan? Kamumuhian ka niya, Dahyun."

"That's why I'm trying to fix everything. I'll pay for my mistakes."

"Pagkakamali lang para sayo ang ginawa natin kagabi?! Matapos mong iparamdam sakin na gusto mo yung ginawa natin? I want to hurt you so bad, Kim Dahyun!" Bigla niya akong pinagtaasan ng boses.

Dali-dali akong bumangon upang magbihis ng damit nang maalala kong nandito ako sa apartment ni Momo. Kailangan kong ayusin ang pagkakamali na 'to.

"Saan ka pupunta?"

"Kay Sana."

"Seriously?! Iiwanan mo ko dito nang mag-isa?"

Yours [SaiDa Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon