90 : Ambulansya

132 9 12
                                    

[Sana's Pov]

"Mom, laban ha." Umiiyak na sabi ni Nayeon habang hinahaplos ang pisngi ng Mom niya na ngayo'y wala nang malay.

"Ssshhh. Calm down, Nayeon. Magiging okay ang kalagayan ng Mom mo." Pagpapakalma sa kanya ni Jeongyeon.

"Paano kung hindi? Paano kung iwan niya na ako? Anong gagawin ko, Jeongyeon?"

"I'm sorry." Nasabi ko na lamang dahilan para mapatingin sila sakin.

"For what, Sana?" Tanong nila sakin.

"Kung noon pa man ay sinabi ko na ang lahat ng nalalaman ko, hindi na sana humantong sa ganito."

"Sana, walang may gusto nito. Kung may dapat man na sisihin, yun ay ang Dad ni Momo." Agad na paliwanag sakin ni Jeongyeon.

"Dahil sakin, kahit si Dahyun ay nasa panganib ngayon." Tikhom-kamao na pagkakasabi ko.

"Sana, matapang ang kapatid ko na 'yon. Mahal ka niya, hindi siya aalis nang hindi kayo nagkakaayos." Rinig kong pagkakasabi ni Nayeon habang nakayuko sa isang tabi.

"Sa mga oras na 'to, mas mahalaga na lang sakin na maging ligtas siya. Ayos lang sakin kung hindi niya ako mapatawad sa lahat ng kasinungalingan ko, basta maging ayos lang ang kalagayan niya."

Lumipas ang ilang oras, narating na rin namin ang hospital. Dali-daling inasikaso ng staffs ng hospital si Mommy M. Sumunod na rin sa kanila sila Jeongyeon at Nayeon.

Minabuti kong hanapin na muna si Dahyun. Initanong ko sa mga nurse na nasa counter kung nasaang room si Dahyun ngunit sinabi nila na wala naman daw Kim Dahyun na inisugod sa hospital na 'yon.

Hindi ko alam ang gagawin ko. Akala ko ba isinugod na siya sa hospital kanina. Hindi ako tumigil sa pagtatanong-tanong sa iba pang nurse at doctor sa hospital, ngunit wala talaga.

Naupo ako sa isang tabi, hinihintay na may Kim Dahyun na dumating. Lumipas pa ang ilang oras, dumating na ang Dad ni Dahyun sa hospital kasama sina Chaeyoung, Mina at Tzuyu.

"Sir, si Dahyun." Agad akong lumapit sa kanila.

"Oh, Sana. Kumusta sila? Nasa emergency room pa ba si Dahyun?" Tanong sakin nila Chaeyoung.

"Wala siya dito."

"What do you mean? Sa hospital na 'to dinala si Dahyun. I even talked to the police officers, sinabi ko sa kanila ang address ng apartment ni Momo." Gulat na tanong ni Mr. Kim.

"Seryoso po ako, halos tinanong ko na lahat ng nurse at doctor dito ngunit ayaw nilang magbahagi ng ibang impormasyon sakin. Basta ang palagi nilang sinasabi, walang Kim Dahyun na isinugod dito kanina." Paliwanag ko.

"Damn it, I'll talk to them." Agad na lumakad si Mr. Kim upang alamin kung nasaan si Dahyun.

"Sana, everything will be okay." Tinapik ni Mina ang balikat ko.

"Kung wala si Dahyun dito, baka sa ibang hospital siya napunta." Sabi naman ni Chaeyoung.

"I'll check for confirmation. I'll talk to my parents para matulungan niya tayo i-locate si Dahyun sa iba pang near hospitals dito." Sabi ni Tzuyu bago kunin ang phone niya para magpatulong sa parents niya.

Yours [SaiDa Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon