[Dahyun's Pov]
Hanggang sa tuluyang pagbaba ni Tzuyu sa hagdan, nanatili lamang akong nakatingin sa kanya.
Ganito na ba talaga kaliit ang mundo? Bakit sa dinami-dami ng pwedeng maging fiance ko, si Tzuyu pa?
I mean, hindi ko sinasabi na hindi siya maganda o masama ang ugali niya kaya hindi dapat siya ang maging fiance ko.
Ang ibig kong sabihin, she's my friend. Sabihin na nating pumasok ako sa school na 'yon para sa misyon ko kay Mina, pero hindi ko maitatanggi na inituring ko na bilang kaibigan si Tzuyu.
I don't want to put her in a situation na pwede siyang masaktan o madawit dito. She's a nice person.
Akala ko magiging madaling takasan ang problemang 'to sa pamamagitan lang ng paninira ko ng imahe ko sa pananaw ng pamilya ng magiging fiance ko.
Kung botong-boto si lolo sa fiance ko para sakin, plano ko sanang maging hindi boto sakin ang magulang ng fiance ko.
Isa pa. Kung hindi epektibo na masira ang imahe ko sa paningin ng magulang ng fiance ko, imahe na lang ng fiance ko ang sisirain ko sa paningin ng lolo ko. That's my plan.
Pero ngayon, paano ko gagawin yung plano ko? Hindi ko kayang siraan si Tzuyu. She's my friend. Mukhang hindi ko rin magagawang gumawa ng gulo sa pamamahay nila dahil nakakahiya sa pamilya ni Tzuyu.
Ayoko rin naman na hayaan na lamang na ganito ang lahat. Hindi ko bibitawan si Sana. Hindi pwede. Mahal ko siya. Mahal niya ako. Mahal namin ang isa't-isa.
"H---Hi." Nahinto ang pagmumuni-muni ko nang biglang bumati si Tzuyu sakin.
"Ah. Eh. Hello." Matipid din na bati ko sa kanya.
"Mabuti pa, kumain na tayo." Sambit ng Mom ni Tzuyu kaya naman sama-sama kaming pumuwesto sa harap ng hapag-kainan.
Tahimik lang ako na nakapwesto sa pwesto ko. Magkaharap kami ni Tzuyu habang katabi ko naman ang lolo ko.
Tila galak na galak na nagkukwentuhan ang lolo ko at ang magulang ni Tzuyu. Samantalang wala kaming kaimik-imik ni Tzuyu sa kinauupuan namin.
Nagpatuloy ang salu-salo namin. Kung ano-anong pinagkukwentuhan ni lolo at ng magulang ni Tzuyu tungkol sa mga plano nila sa pagpapakasal samin.
Sandaling nagtagpo ang mata namin ni Tzuyu ngunit umiwas din kami agad ng tingin mula sa isa't-isa.
Kanina pa ako naku-curious, namumukhaan kaya niya ako? Aware kaya siya na ako 'to, si Dayana? Napapansin ko kasi na pasulyap-sulyap siya sakin.
Lumipas ang ilan pang minuto, nag-utos ang Dad ni Tzuyu sa isa sa maid nila na ihatid muna kami sa 2nd floor dahil may importante daw silang kailangan pag-usapan.
Upang madaling matapos ang gabing 'to, sumunod na lang ako sa maid kasama si Tzuyu. Nang iwanan kami ng maid sa 2nd floor, isang nakabibinging katahimikan ang pumalibot sa aming dalawa.
"Ah. Eh. Gusto mong magpahangin muna sa balcony?" Biglang tanong ni Tzuyu.
"Huh? Sure."
BINABASA MO ANG
Yours [SaiDa Fanfic]
Fanfiction[GenderBender Dahyun x Sana] Date Started : September 16, 2020 Date Ended : October 30, 2022
![Yours [SaiDa Fanfic]](https://img.wattpad.com/cover/243409578-64-k26511.jpg)