[Chaeyoung's Pov]
Sa unang gabi namin sa bahay na ihinanda ni Nayeon para kay Dahyun, hindi maitatanggi na kapansin-pansin ang sobrang kalungkutan na bumabalot sa bestfriend ko.
Sinubukan ko siyang i-entertain sa pamamagitan ng pagkwento sa kanya sa mga nakakatawang bagay.
Tulad na lamang nang pag-aakala ko na wala na akong pag-asa kay Mina noong ibigay niya sa magulang niya ang bulaklak na ipinaabot ko para sa kanya. Tapos 'yun pala, hindi tumatanggap si Mina ng bulaklak mula sa iba, maliban sakin.
Nagkwento din ako sa kanya ng mga nakakatawang ala-ala namin nang magkasama noong nag-aaral pa lamang kami. Bahagya naman siyang tumatawa kaso ramdam ko na pilit 'yung tawang 'yon. Iba pa rin yung hagalpak niya noon kaysa ngayon.
Hanggang sa nagsabi siya sakin na magpapahinga na daw siya kaya naman hinayaan ko na siyang pumunta sa kwarto. Naiwan ako sa sofa na hindi pa rin mahinto kakaisip kung ano bang dapat kong gawin para matulungan o mapagaan ang loob ni Dahyun kahit konti man lang.
Alam ko na gustong-gusto niya nang makausap si Sana. Gustuhin ko man na i-update siya tungkol kay Sana, may kasunduan kami ni Mina na rerespetuhin namin ang desisyon ni Dahyun at Sana bilang bestfriend nila.
Dahil hindi pa naman ako inaantok, minabuti kong tawagan si Mina. Buti na lang sinagot niya ang tawag ko.
ON THE PHONE:
"Kumusta, Mina?"
"Kumusta ako o kumusta si Sana?" Pabirong tanong niya. Siguro tinitingnan niya kung naaalala ko pa ang kasunduan namin na rerespetuhin namin yung desisyon nila Sana.
"Hmmm. Siyempre, kumusta ka. Hindi ka pa natutulog. Gabi na eh."
"Hindi ako makatulog."
"Ako rin, Mina. Dahil ba kila Dahyun at Sana?" Minabuti ko pang i-check ang paligid kung naririnig ba ni Dahyun ang usapan namin ni Mina.
"Ganun na nga. Hindi ako mapakali. Parang gusto kong tumulong sa kanila pero alam mo na ---hindi pwedeng tayo ang magdesisyon para sa kanila."
"Tama ka, Mina. Kaya malakas ang tama ko sayo eh. Ang talino mo talaga."
"Gago."
"Haha. Kinilig ka noh? Pero mabalik tayo kila Dahyun, hindi rin ako mapakali eh. Ramdam na ramdam ko yung lungkot ng bestfriend ko, Mina."
"Ganun din ako kay Sana. Kinukumusta ko sa text. Hindi nagrereply. So naisip ko na baka kailangan niya muna ng time para sa sarili niya."
"Mas mabuti talagang iparamdam na lang muna natin sa kanila na nandito tayo sa tabi nila sa ngayon."
"Tama ka, Chaeyoung."
"Hindi mo ba sasabihin na malakas din ang tama mo sakin?"
"Hindi."
"Mina naman eh. Naglalambing ako tapos ---"
"I love you." Natigilan ako sa sinabi niya. Bigla akong napangiti.
BINABASA MO ANG
Yours [SaiDa Fanfic]
Fanfic[GenderBender Dahyun x Sana] Date Started : September 16, 2020 Date Ended : October 30, 2022