29 : Acting

256 22 18
                                    

[Dahyun's Pov]

Pabalik na ako sa kwarto nang maabutan ko si Momo sa harap ng pinto.

"Oh, Momo."

"Hi, Dayana."

"Anong ginagawa mo dito?"

"Ah. Itatanong ko lang sana kung hindi ka busy mamayang dinner."

"Hmmm. Wala naman akong gagawing importante mamaya. Bakit mo natanong?"

"Gusto mong sumabay sakin sa pagkain nf gabihan mamaya? Tambay tayo sa cafeteria ng school." Yakag niya kaya naman napangiti ako.

Buti pa 'tong si Momo eh. Sobrang bait sakin 'di tulad ni Sana na grabe kung makaisip nang masama tungkol sakin.

Sobrang nastressed din ako sa buong araw na 'to. Buti na lang nandiyan si Momo para tulungan akong makapagrelieve ng stress.

"Ganun ba? Aba. Sang-ayon ako di---"

"May gagawin kami mamaya." Hindi ko natapos ang sinasabi ko dahil biglang sumulpot si Sana.

"Pero sabi ni Dayana, wala daw siyang importanteng gagawin mamaya." Sambit ni Momo dahilan para tuluyan nang lumapit si Sana samin.

"Nakalimutan niya lang na may importante kaming dapat gawin." Dagdag ni Sana dahilan para mapatingin sakin si Momo.

"Sana, ano bang sinasa---" Idedepensa ko sana ang sarili ko kaso nakita ko kung paano tumitig sakin si Sana kaya natigilan ako sa pagsasalita.

Parang binabalaan niya ako sa titig niyang 'yan eh. Nakakainis na talaga.

"May gagawin tayo mamaya. Diba?" Ulit ni Sana habang nakatitig sakin.

"Ah. Eh. Oo. Pasensya ka na, Momo. Siguro sa susunod na lang ako sasama sayo pero salamat sa pagyayaya sakin."

"Ganun ba? Sige. Ayos lang 'yon. Mauna na ako, Dayana." Nang makaalis si Momo, napalingon ako kay Sana na seryosong nakapamewang sa gilid ko.

"Ano na namang trip mo, Sana?"

"Sa tingin mo, anong ginagawa mo?"

"Nakikipag-usap kay Momo."

"Hindi makakalusot sakin 'yang paganyan mo, Dahyun. Sinusubukan mo na namang dumiskarte sa ibang babae sa school na 'to ha. Diba sinabi ko sayo na bantay-sarado ka sakin. Tsk!"

"The fvck? Bakit ako? Si Momo kaya ang nagvolunteer na yakagin akong kumain sa cafeteria mamaya. Isa pa, kakain lang naman kami."

"Nako. Baka mamayang magkasama kayo, iba pala ang kakainin mo." Napakunot-noo ako sa kanya na tila inuusisa ang reaksyon ko sa sinabi niya.

"Sana, tama nang kaka-shabu."

"Shabu ka diyan. Aish!"

"Pwede ba? Maniwala ka man o hindi. Wala akong balak na masama sa mga babae sa school na 'to o kahit sa sino man na nandito."

"Gusto ko lang makasigurado na wala kang gagawing kalokohan habang nandito ka."

"Bahala ka diyan." Pumasok na ako sa loob ng kwarto kaya agad siyang sumunod.

Yours [SaiDa Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon