[Dahyun's Pov]
Hapon na nang makarating kami sa restaurant ng lolo at lola ni Sana.
"Salamat, Dahyun."
"Wala 'yon, Sana. Salamat din sa pagsama sakin kahit na hindi maganda yung bumungad satin doon."
"Nako. Hayaan mo na 'yon, Dahyun. Wala sakin 'yon. Naiintindihan ko na hindi talaga mawawala sa pamilya na mag-away kung minsan."
"Paano? Aalis na ako." Akma na sana akong sasakay sa sasakyan upang umalis nang biglang may tumawag kay Sana.
"Sana. Apo!" Mabilis na lumabas ng restaurant ang lolo at lola ni Sana.
"Lolo at Lola. Kumusta na po?"
"Mabuti naman, Apo. Aba. Sino 'tong gwapong kasama mo?" Agad na tanong ng lola ni Sana. Sa sobrang gwapo ko, kahit mga lola naa-attract sakin. Nako, Kim Dahyun ata 'to.
"Natanawan namin kanina sa loob ang pagdating niyo." Sabi naman ng lolo ni Sana.
"Ah. Si Dahyun po. Kaibigan ko po." Pagpapakilala sakin ni Sana sa lolo't lola niya.
"Magandang hapon po sa inyo. Hinatid ko lang po si Sana." Magalang na pagbati ko sa kanila.
"Mukhang bihis na bihis kayo, Apo. Saan kayo nagpunta?" Tanong ulit ng lola ni Sana.
"Bumisita lang po kami sa bahay ng pamilya ni Dahyun."
"Sandali. Manliligaw mo ba ito, Apo?" Extra ng lolo ni Sana dahilan para mapatingin ako sa kanila.
"Nako. Hindi po, Lolo. Magkaibigan lang po kami." Paglilinaw ni Sana.
"Pasok ka sa loob, Dahyun. Ipaghahanda ka namin ng pagkain." Yaya sakin ng lola ni Sana.
"Hindi na po. Busog pa po ako." Mabilis na pagtanggi ko.
"Hindi pwedeng hindi, Hijo. Welcome dito sa restaurant namin ang manliligaw ng apo namin." Hinawakan ako ng lolo at lola ni Sana sa magkabilang braso.
"P---Po? Hindi po ko manliligaw ni Sana." Paglilinaw ko kaso mapilit sila na isama ako sa loob kaya wala na akong nagawa kundi sumama na lang sa kanila habang napapalingon kay Sana na napapakamot-ulo na lang.
"Ihahanda ko muna ang kakainin mo, Hijo." Sabi ng lola ni Sana bago tuluyang bumalik sa kusina.
"Tulungan ko na kayo, Lola." Agad naman na sumunod si Sana sa kusina.
Sa mga oras na 'to, halos wala nang customer ang kumakain sa loob. Sa katunayan, parang pasarado na sila eh.
Naiwan akong nakaupo sa isang pwesto kasama ang lolo ni Sana na tila ba inuusisa ako mula ulo hanggang paa.
"Hijo."
"Po?"
"Ang ganda ng buhok mo."
"Po? Ah. Opo." Matipid na sagot ko dahil hindi ko alam kung anong sasabihin. Para lang akong bata na behave dito sa pwesto ko.
BINABASA MO ANG
Yours [SaiDa Fanfic]
Fanfiction[GenderBender Dahyun x Sana] Date Started : September 16, 2020 Date Ended : October 30, 2022
![Yours [SaiDa Fanfic]](https://img.wattpad.com/cover/243409578-64-k26511.jpg)