72 : Pasa

264 19 41
                                    

[Nayeon's Pov]

"Dahyun!" Sinubukan naming pigilan si Dahyun pero hindi siya huminto sa pagtakbo palayo.

"Subukan kong habulin si Dahyun." Sambit ni Chaeyoung.

"Ako rin. Sasama ako kay Chaeyoung." Dagdag ni Tzuyu bago sila tuluyang tumakbo para hanapin si Dahyun.

Muling napunta kay Sana ang atensyon ko. Hindi ko maiwasang mainis sa kanya. Bakit ganon? Totoo ba yung nasaksihan ko? Totoo ba yung narinig ko? Jowa niya yung kasama niyang lalaki? Jowa? As in jowa?!

"Nayeon." Hinawakan ni Jeongyeon ang balikat ko nang akma akong lalapit kay Sana.

"Pabayaan mo ko, Jeongyeon. Kailangan kong makausap 'tong si Sana." Seryosong pagkakasabi ko kaya wala nang nagawa si Jeongyeon kundi hayaan ako.

Dali-dali akong lumapit kay Sana na siyang nakatayo lamang sa tabi ng lalaking ipinalit niya sa kapatid ko.

"Nayeon---" Hindi niya na natapos ang sasabihin niya dahil parang kusa nang gumalaw ang palad ko para sampalin siya.

"What the---Sino ka para saktan si Sana?!" Gulat na pagkakasabi ng lalaking katabi ni Sana.

"Huwag kang um-epal dito. Tatadyakan kita kahit sino ka pa!" Babala ko sa lalaking katabi ni Sana.

"Heechul, mauna ka na. May kailangan lang kaming pag-usapan ni Nayeon."

"Pero---"

"Please, Heechul."

"Aish. Okay. I-text o tawagan mo ko kapag kailangan mo ng tulong ko. See you later, Sana." Nang tuluyan nang umalis yung lalaki, tumingin sakin si Sana.

"Bakit, Sana? Bakit mo nagawang gawin 'yon sa kapatid ko? Bakit mo pa siya pinaghintay ng dalawang linggo? Para ano? Para ipamukha sa kanya na madali lang siyang palitan? Gago ka ba?!" Halos kumulo ang dugo ko sa babaeng 'to.

"Mahabang kwento, Nayeon."

"Wala akong pakialam sa kwento mo. Basta ang alam ko, ni-gago mo yung kapatid ko. Alam mo ba kung gaano kahirap nagtiyaga si Dahyun para lang i-respeto 'yang kinginang kahilingan mo na umagwat muna sa kanya? Excited pa siya kanina na muli kang makita tapos nakikipaglandian ka lang pala sa kung sinong lalaking 'yon?!"

"Nayeon, tama na 'yan." Awat sakin ni Jeongyeon.

"Hindi, Jeongyeon. Akala mo matino 'tong babaeng 'to eh. Ni-gago yung kapatid ko. Tell me. Bakit ginawa mo 'yon kay Dahyun?!"

"Paano mo nasabing ni-gago ko siya, Nayeon? Walang kami. Hindi naging kami. Kung ano man yung namagitan samin, walang label 'yon. Sinagot ko ba siya? Hindi. So, bakit parang ipinapamukha mo sakin na cheater ako?!"

"Ah. Ganon? So, ano? Laro-laro lang yung sa inyo ng kapatid ko? Kung sayo, laro 'yon. Sa kanya, hindi. Sana, kitang-kita ko kung paano ka minahal ni Dahyun. Masaya siya sayo."

"Yun na nga eh. Naging masaya naman siya sakin. Diba? May irereklamo pa ba siya? Ipinaparanas ko lang ang ipinaranas niya sa mga babaeng pinaiyak niya noon."

"Pota, Sana! Hindi ko in-expect na ganyan pala kasama ang ugali mo. Hindi ko in-expect na ganyan ang mindset mo. So, hindi ka na-bored sa relasyon niyo ni Dahyun? Sinadya mong gageu-hin siya?!"

Yours [SaiDa Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon