[Nayeon's POV]
"Maraming salamat po sa pagwelcome sakin dito." Nakangiting sabi ni Jeongyeon habang kaharap namin sina Dad at Mom.
"You're welcome, Jeongyeon. Palaging bukas ang pamamahay na 'to para sayo. Aalis ka na ba? Mamaya ka na umalis. Mag-movie marathon muna tayo." Nagkatinginan kami ni Jeongyeon dahil sa anyaya ni Dad.
"Pumayag na kayo. Minsan lang tayo magkaroon ng family bonding dahil madalas din tayong busy lahat. What do you think, Anak?" Tanong naman ni Mom sakin.
"Hmmm. What do you think, Jeongyeon? Wala ka bang ibang gagawin ngayong araw?" Tanong ko naman kay Jeongyeon.
"For you, palagi akong may time." Nakangiting sagot ni Jeongyeon sakin. Wait, kinikilig ako. Pwede ko bang hampasin si Dad? Char.
"Ssshhh, binobola mo ko." Nagbablush na mahinang pagkakasabi ko.
"Ahem. Hon, wala ka bang ibang gagawin ngayong araw?" Biglang tanong din ni Mom kay Dad.
"Hon, palagi akong may time for you." Biglang natawa pareho si Mom at Dad sa ginawa nila.
"Dinodogshow ata tayo ng parents ko." Bulong ko kay Jeongyeon.
"Hayaan mo na. Inggit siguro satin." Bulong din niya pabalik.
"Dad at Mom, naiinggit daw kayo samin sabi ni Jeong---" Biglang tinakpan ni Jeongyeon ang bibig ko.
"Gagsti ka, Nayeon. Ah. Eh. Wala po kong sinasabing ganon. Masyado lang pong kinilig ang anak niyo sa sinabi ko." Kinabahan na pagpapaliwanag niya dahilan para matawa ako.
"Marami akong natututunan na banat diyan kay Jeongyeon. Hon, palagi akong may time for you." Inulit na naman ni Dad ang sinabi niya kay Mom.
"Tama na nga ang kalokohan. Mabuti pa, imbitahan niyo na rin sila Sana, Chaeyoung, Tzuyu, at Mina para sa movie marathon natin."
"Itext ko po sila." Sambit ni Jeongyeon sabay kuha sa phone niya kaya nagsimula na kaming mag-ayos ng mga gagamitin at kakainin para sa movie marathon mamaya.
Maya-maya, muling lumapit samin si Jeongyeon.
"Papunta na raw sila Chaeyoung, Tzuyu, Mina at Tzuyu."
"How about Sana?" Tanong ni Dad.
"Umalis daw po kanina si Sana. May pinuntahan daw pong importante pero initext na rin namin." Dagdag ni Jeongyeon.
"Hmmm. Ganun ba? Oh, Sige. Movie marathon ulit tayo sa susunod para makasama din si Sana." Sabi naman ni Mom.
"I think, nag-iimbestiga pa rin si Sana sa boyfriend ni Ms.Park." Bulong ko kay Jeongyeon.
Habang abala kasi kami kanina dito sa mansion, todo chismis samin si Chaeyoung. Kesyo nameet daw nila si Ms.Park at ang boyfriend ni Ms.Park. Hanggang sa umalis daw si Sana para sumunod sa boyfriend ni Ms.Park para hanapin si Dahyun.
"Ano na kayang nangyari don? Minsan talaga nakakakaba 'yang mga trip ni Sana. Baka mapagkamalan pa siyang stalker don eh." Mahinang sabi ni Jeongyeon.
"Alam mo, Jeongyeon. Kahit parang imposible, hinihiling ko rin na sana buhay pa ang kapatid ko. Imagine, susulpot siya sa pintong 'to tapos babatiin niya tayo." Bumukas ang pinto sa harapan ko.
BINABASA MO ANG
Yours [SaiDa Fanfic]
Fanfiction[GenderBender Dahyun x Sana] Date Started : September 16, 2020 Date Ended : October 30, 2022
![Yours [SaiDa Fanfic]](https://img.wattpad.com/cover/243409578-64-k26511.jpg)