[Sana's Pov]
"Sana, ayos ka lang ba?" Tanong sakin ni Mina habang naglalakad kami pabalik sa classroom para sa afternoon class.
"Oo naman."
"Natanong ko lang. Kanina ka pa nakasimangot diyan eh."
"Alangan namang ngiting-ngiti ako habang naglalakad tayo."
"Hindi. Kakaiba 'yang simangot mo ngayon eh. Para bang may nasaksihan kang hindi kaaya-aya."
"Pinapalabas mo ba na nagkakaganito ako dahil kay Momo at Dayana?"
"Ooops! Wala akong sinasabi. Ikaw mismo nag-mention niyan, Sana." Mapang-asar na sabi ni Mina kaya naman napahinto ako sa paglalakad para harapin siya.
"Nako, Mina. Nagkakamali ka."
"Nagkakamali na ano?"
"Hindi ako nagseselos sa dalawang 'yon."
"Ooops ulit. Wala akong sinabi na nagseselos ka."
"Aish. Pero yun 'yung pinaparating mo eh."
"Hindi kamo, Sana. Behave ako dito eh."
"Basta lilinawin ko lang na wala akong pakialam sa dalawang 'yon. Kapag wala sa mood, dahil agad kay Dahyun."
Napahinto din si Mina sa paglalakad.
"Dahyun?" Nagtatakang tanong niya sakin.
"Huh? Ah. Eh. I mean, Dayana." Gagi. Nabanggit ko kay Mina yung tunay na pangalan ni Dahyun.
Eh kasi naman, nababadtrip na ako dito kay Mina. Pinagkakamalan pa akong apektado doon sa dalawa.
"Ah. Bigla ko tuloy naalala yung bestfriend ni Chaeyoung." Biglang kwento ni Mina. Hala. Gagi! Ayan! Nagmemention na siya nang tungkol kay Dahyun. Anong gagawin ko?!
"Dahyun?" Kunwari hindi ko alam kung sino si Dahyun.
"Oo, Dahyun ang pangalan ng bestfriend ni Chaeyoung eh."
"Ganun ba? Diba yun 'yung ikinukwento mong lapitin ng gulo."
"Oo. Siya nga. As in lapitin talaga ng gulo. Kung minsan noon, gusto ko na ngang pagsabihan si Chaeyoung na huwag magpahawa sa isang 'yon kaso magbestfriend sila kaya mahirap nang magsalita."
"Gaano ba kaloko ang Dahyun na 'yon?" Tanong ko kay Mina na agad na akong hinila pabalik sa classroom.
Nang makapwesto kami sa upuan namin, inituloy niya ang pagkukwento.
"Balita ko sa ibang nagiging ka-party nila Chaeyoung, ang dami nang napapaiyak na babae ng Dahyun na 'yon. Walang ginawa kundi mag-party."
"Tapos? Ano pa?"
"Teka nga, Sana. Bakit parang interesado ka masyado tungkol kay Dahyun? Type mo yung ganoon? Nako. Ingat ka doon."
"Hay. Nako. Hindi noh. Bakit ko papangarapin makasama ang ganoong klase ng lalaki? Babaero. Umay!"
"Hmmm. Mabait naman si Dahyun bilang tao. Kaso 'yun nga, babaero siya."
BINABASA MO ANG
Yours [SaiDa Fanfic]
Fanfic[GenderBender Dahyun x Sana] Date Started : September 16, 2020 Date Ended : October 30, 2022