[Dahyun's Pov]
Sa paglabas ko sa cr nang naka-bathrobe, nagulat ako nang makitang hindi pa rin pala umuunang pumunta sa classroom si Sana. Bihis na bihis na siya eh. Ano pang ginagawa niya dito?
"Oh? Ano pang ginagawa mo dito?"
"Hinihintay ka." Sagot niya habang nakaupo sa gilid ng kama niya.
"Bakit?"
"Para sabay tayong pumunta sa classroom."
"Hmmm. Baka naman hinihintay mo ko para magbihis sa harap mo. Ikaw, Sana ha."
"The hell? Ang kapal talaga ng mukha mo. Doon ka na nga sa cr magbihis."
"Gusto ko dito eh."
"Gusto mong matadyakan?"
"Ayos lang. Basta dito ako magbibihis." Inasar ko siya sa pamamagitan ng pagbaba ng bathrobe ko sa bandang balikat.
"Isa! Umayos ka, Dahyun."
"Okay. Fine. Galet na galet agad eh. Magbibihis na ako sa cr. Kukuha lang ako ng damit. Ang init-init doon eh. Aish!"
"Pwes tiisin mo." Dagdag niya kaya naman hindi na ako sumagot para tuluyang magbihis na lang sa cr.
Matapos kong magbihis, inayos ko naman ang buhok ko. Kainis. Hindi na ako natutuwa na ganito kahaba ang buhok ko. Ang hirap patuyuin eh. Bumili pa tuloy ako ng hairdryer para dito. Kung pwede ko lang sana 'tong gupitin eh.
"Dahyun."
"Hmmm?"
"Totoo ba yang buhok mo?"
"Ano ba sa tingin mo? Mage-effort ba akong patuyuin pa 'to kung wig lang 'to?"
"Natanong ko lang naman. So, nagpahaba ka talaga ng buhok para sa misyon na 'to?"
"Ganun na nga."
"Ang effort ha."
"Well. Ma-effort kasi talaga ako."
"Ma-effort ba talaga o walang choice kundi gawin 'yan?" Napakunot-noo ako sa kanya.
"Both."
"Gusto mo talian kita?"
"Hmmm. Oh. Sige."
"Sige. Tatalian na kita." Kumilos na siya habang abala ako sa pagpapatuyo ng buhok ko.
"Ready?"
"Oo." Sagot ko nang hindi lumilingon sa kanya. Maya-maya, bigla niya akong pinuluputan ng lubid sa upuan na sinasandalan ko.
"Hoy! Sa---Sana! Ano bang ginagawa mo?!" Gulat na pagkakatanong ko sa kanya.
"Tinatalian ka." Napatingin ako nang masama sa kanya pero ngumisi lang siya sakin na para bang nang-aasar.
"Kingina naman eh. Ang ibig kong sabihin, talian ng buhok. Bwisit ka!"
"Sinabi ko bang tatalian kita ng buhok? Diba sabi ko, tatalian kita. Sumang-ayon ka naman kaya ayan. Itatali na kita."
BINABASA MO ANG
Yours [SaiDa Fanfic]
Fiksi Penggemar[GenderBender Dahyun x Sana] Date Started : September 16, 2020 Date Ended : October 30, 2022