9 : Sweet Dreams

270 14 4
                                    

[Dahyun's Pov]

Matapos kumain ng dinner kasabay si Sana, agad na akong tumayo para muling pumuwesto sa harapan ng table ko.

"Salamat, Dayana." Napahinto ako sa narinig mula sa kanya.

"Para saan?"

"Para sa pagbili ng pagkain para sakin. Para na din sa pagsabay saking kumain."

"Hindi ko naman ginawa 'yon para sayo."

"Huh? Eh para kanino?"

"Trip ko lang." Matipid kong sagot bago ituloy ang pagbabasa sa notes na iniwan ni Momo sa table ko.

"Ganun ba? Hmmm. Salamat pa rin sa trip mo." Napailing na lang ako nang makita siyang nakangiti sakin. Dapat kasi hindi ko na ginawa pa 'to eh. Ibinaling ko na lang sa pagbabasa ang atensyon ko kaysa intindihin pa ang mga sinasabi niya.

Lumipas pa ang ilang oras, bigla siyang umupo sa tabi ko habang abala ako sa pagbabasa.

"Doon ang pwesto mo. Hindi dito." Inituro ko ang table niya ngunit hindi siya nagpatinag.

"Gusto mong magpatulong sa pag-aaral niyan?"

"Sinong nagsabi na pinag-aaralan ko 'to? Binabasa ko lang." As if namang seseryosohin ko talaga ang pag-aaral sa lugar na 'to. Nandito lang naman ako para sa misyon ko. Hindi na kasama doon ang pagiging magaling o maalam sa pinag-aaralan dito.

"Kung naguguluhan ka sa ibang topic diyan, baka pwede kitang tulungan." Dagdag niya dahilan para mapatingin ako sa kanya nang masama.

"Mas naguguluhan ako dahil sa pang-iistorbo mo."

"Grabe ka naman sakin, Dayana. Nagsusungit ka na naman sakin pero okay lang. Mas mabuting masungit ka lang, hindi masungit na malungkot." Napakunot-noo ako nang bigla niya akong akbayan.

"Lu---Lumayo ka nga sakin." Inis na sabi ko sabay tanggal ng pagkaka-akbay ng braso niya sakin.

"Totoo naman kasi eh. Mas maganda na ang aura ng mukha mo ngayon kaysa kaninang umaga."

"Ano na naman bang pinagsasabi mo? Aish. Doon ka na nga sa pwesto mo o kaya matulog ka na. Gabing-gabi na, iniistorbo mo ko."

"Okay. Eto na. Sungit na naman eh." Sagot niya sabay alis na sa tabi ko. Lumingon ako sa kanya na agad nang humiga sa kama niya.

"Mas maganda pa 'yang matulog ka na lang para payapa ang paligid ko."

"Dayana."

"Ano na naman?"

"Goodnight."

"Ewan ko sayo."

"Sweet dreams, Dayana." Huling rinig ko sa kanya bago siya tuluyang mahimbing sa pagtulog.

Sweet dreams?

Bigla akong may naalala.

Napahinto ako sa pagbabasa ko.

"Sweet dreams, Dahyun."

Napahinga ako nang malalim dahil sa bagay na naalala ko.

Kalahating oras na ang lumipas nang bigla akong mawala sa mood sa pagbabasa. Nilingon ko si Sana na mukhang mahimbing nang natutulog. Ibinaba ko ang libro't lumabas muna sa kwarto namin upang magpahangin.

Naglakad-lakad ako sa hallway. Pumuwesto ako kung saan nadarama ko ang malakas na ihip ng malamig na hangin.

Dahil sa pagmumuni-muni ko, hindi ko napansin na may iba pa palang gising. Sa hindi kalayuan, natanawan ko si Nayeon na mag-isang nakatambay sa labas ng kwarto nila ni Jeongyeon.

Yours [SaiDa Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon