[Dahyun's Pov]
"Hey, Nayeon." Nilapitan ko si Nayeon makalipas ang ilang araw ng pagbabalik ko.
"Oh? Ano 'yon?"
"Anong reply ni Jeongyeon at Chaeyoung sa request ko?" Bulong ko sa kanya upang 'di marinig ni Sana ang pinag-uusapan namin habang abala siya sa pakikipagkwentuhan kay Dad at Mommy M.
"Don't worry, ready na daw ang lahat ng pagkain para sa simpleng date niyo."
"Good. I'm so excited."
"Dahyun."
"Hmmm?"
"I'm happy for you."
"Masaya rin ako para sa inyo ni Jeongyeon."
"I-promise mo sa akin na iingatan mo ang sarili mo at ang relasyon niyo ni Sana ha. Ang dami niyong pinagdaanan pero sa isa't-isa pa rin ang punta niyo."
"Promise!"
"So, kailan ang flight niyo ni Sana?"
"Next week."
"Next week pa? Pwede namang ngayon na. I mean, gusto pa namin kayong maka-bonding dito pero alam din naman namin na excited ka na ring makausap ulit si Grandpa."
"May iba pa kasi akong planong gawin dito."
"Wait a minute. Tell me the truth, Kim Dahyun. Are you planning to propose to Sana?"
"Spoiler ka talaga eh." Napapakamot-ulong sabi ko.
"Oy, answer my question."
"Eh ano pa ba sa tingin mo?"
"So totoo nga?!"
"Oo."
"Hala. Con---" Tinakpan ko ang bibig ni Nayeon. Ang ingay-ingay niya. Bahagya akong napasenyas kila Dad upang libangin nila si Sana.
Sa totoo, alam na nila Mommy M at Dad ang plano kong pagpo-propose kay Sana. Todo suporta pa nga sila sakin kaya nililibang nila si Sana ngayon.
"How about Tzuyu and Mina?" Bulong ko ulit kay Nayeon.
"Ready na daw yung decorations sa lugar. Grabe ka, Dahyun. Buong akala ko simpleng dinner date ang plano mo, kaya pala abalang-abala sila Jeongyeon."
"Siyempre, nag-iingat ako na baka madulas ka. Spoiler Queen ka pa naman. To be honest, alam din 'to ni Ms. Park."
"Ha? So, ako lang talaga ang nag-aakalang simpleng date niyo lang 'to kung saan?"
"Ganun na nga. Miski ang Mom ko, binisita ko ang puntod niya para kausapin siya tungkol dito. Alam din 'to ni Grandma, binisita ko din ang puntod niya."
"Nakakapagtampo ka, Dahyun. Kapag ako ang pinag-propose-an ni Jeongyeon, ikaw ang huling makakaalam." Natawa na lang ako sa sinabi niya.
"Weh? Ang tanong, magpopropose ba sayo si Jeongyeon?"
"Bastos ka ha. Kung ibuking kaya kita kay Sa---"
BINABASA MO ANG
Yours [SaiDa Fanfic]
Fanfic[GenderBender Dahyun x Sana] Date Started : September 16, 2020 Date Ended : October 30, 2022
![Yours [SaiDa Fanfic]](https://img.wattpad.com/cover/243409578-64-k26511.jpg)