[Sana's Pov:]
Hindi pa rin maghihilom ang sakit na nararamdaman ko ngayon mapa-isang segundo, isang oras, isang araw, isang buwan, o mapa-ilang taon pa ang lumipas na hindi ko siya kasama.
Isang buwan na ang lumipas pero parang kahapon lang nangyari dahil ganon pa rin kasakit.
Buong akala ko'y tuluyan nang magiging maayos ang lahat, nagkamali ako. Unti-unti na ngang nabalik sa kanya-kanyang buhay ang lahat, ngunit hindi ko kayang bumalik sa dati kong buhay. Lalo na ngayong wala na siya.
Siya na nagparamdam sakin na hindi ko kailangang pwersahin ang sarili kong pigilan magmahal dahil masyado akong naging focused sa pag-aalaga sa Lolo't Lola ko.
Siya na palaging nandyan para ipagtanggol at iligtas ako. Naalala ko ang unang pagkikita namin sa bar na pinagtatrabahuhan ko. Sobrang cool niyang makipaglaban para lang maprotektahan ako sa nambastos sakin.
Noong nakulong ako sa classroom, dumating rin siya bilang Dayana Kim para damayan ako kahit na nagkandahulog-hulog na siya. Dahil kasama ko siya noon, hindi ako nakaramdam ng takot.
Mapa-Dayana Kim o Kim Dahyun, ipinaramdam niya sakin na importante din ang kasiyahan ko.
Bahagyang namula ang pisnge ko nang maalala ko ang iba pang bagay na ginawa namin at muntik gawin nang magkasama. Wala talaga siyang katulad.
Naalala ko noong pinigilan niya ako sa ginagawa ko dahil nire-respeto't may tamang panahon daw kami para sa ganoong bagay. Ngayon, wala na siya. Paano pa namin gagawin 'yon?
Pati yung mga ipinangako niya sakin noon. Mga bagay na tutuparin namin nang magkasama sa aming pagtanda.
Mag-aalaga daw kami ng aso, papangalanan daw naming Browny. Ni hindi man lang kami nakapag-alaga ng aso nang magkasama.
Sabi niya pa noon, gusto niyang maranasan gumising araw-araw nang ako ang unang makikita't kayakap. Ini-imagine niya daw ang buhay namin bilang mag-asawa.
Magpapakasal kami, magkakaroon ng anak at mamumuhay nang magkasama sa sariling bahay namin. Hindi man lang kami nakaabot sa panahon na 'yon.
Sa mga oras na 'to, kasalukuyan akong nakatayo sa harapan ng puntod niya kung saan payapa na siyang nakahimlay.
"Here, Dahyun. Nabanggit sakin ni Chaeyoung na mahilig ka daw sa alak before." Napatingin ako kay Mina na naglapag ng isang bote ng alak sa puntod ni Dahyun.
"Hindi siya mahilig sa alak, Mina. Sa tuwing may problema siya, alak ang nagiging karamay niya noon." Paliwanag ko kay Mina.
"Dahyun, Huwag ka na mamroblema diyan ha. Kami nang bahala kay Sana, hindi namin siya pababayaan."
"Hindi ko alam kung kakayanin ko pang magsimula ulit." Naluluha na namang sabi ko dahilan para lapitan ako ni Mina.
"Sana, listen to me. Alam kong mahirap, pero kailangan mong magpakatatag para sa Lolo't Lola mo. Remember, naghihintay sila sayo sa restaurant niyo. Nag-aalala sila sa kalusugan mo." Pagpapaalala ni Mina sakin. Simula kasi nang bumalik sa dati ang ilang bagay, bumalik na rin ang grandparents ko sa pagha-handle ng restaurant namin. Bumalik na rin kami sa dati naming apartment.
BINABASA MO ANG
Yours [SaiDa Fanfic]
أدب الهواة[GenderBender Dahyun x Sana] Date Started : September 16, 2020 Date Ended : October 30, 2022
![Yours [SaiDa Fanfic]](https://img.wattpad.com/cover/243409578-64-k26511.jpg)