subscribe kayo sa youtube channel ko for gaming
(╥﹏╥)
please (っ´▽')っ maga-update ulit ako
nasa multimedia/taas yung link ng video o kaya search niyo na lang sa yt "StrawLherry Gaming" HAHAHAHAHA. salamat!
っ╥╯﹏╰╥c
[Dahyun's Pov]
The best talaga 'tong si Tzuyu. Hindi ko in-expect na mapapapayag niya ang parents niyang pauwiin na kami.
"Maraming salamat sa pagtanggap ng paanyaya naming salu-salo ngayong gabi." Nakangiting sabi ng Dad ni Tzuyu sa amin ni Lolo.
"Nako. Kami nga ng apo kong 'to ang dapat magpasalamat sa mainit na pagtanggap niyo samin." Sagot naman ni Lolo.
"Ingat kayo sa biyahe." Sabi naman ng Mom ni Tzuyu.
"Tzuyu, magpaalam ka na sa fiance mo." Pareho kaming nagkatinginan ni Tzuyu nang marinig ang sinabi ng Dad niya.
"Ah. Eh. Bye, Dahyun."
"Lagyan mo naman ng lambing, Anak." Pabirong dagdag ng Dad ni Tzuyu.
"Huh? Ah. Eh. Hehe." Awkward na napatawa si Tzuyu sabay harap sakin.
"Apo, magpaalam ka na din sa fiance mo." Bago pa muling makasalita si Tzuyu, sumingit na si Lolo.
"Po? Ah. Eh. Bye, Tzuyu." Matipid na pagkakasabi ko.
"Hayaan niyo na silang dalawa. Kakakilala pa lang nila kaya intindihin natin na hindi pa sila gaanong kakomportable sa isa't-isa." Sabi naman ng Mom ni Tzuyu kaya tinigilan na kami ni Lolo at ng Dad ni Tzuyu.
Matapos magpaalam sa kanila, sumakay na kami ni Lolo sa kotse. Habang nasa biyahe, biglang nagsalita si Lolo na nakapwesto sa tabi ko.
"Kumusta ang solong pag-uusap niyo ni Tzuyu?"
"Hmmm. She's a nice friend."
"Friend?"
"Ah. Yes. Kahit na nakasama ko na siya nang personal, hindi pa rin nagbabago ang nararamdaman ko para sa babaeng gusto ko."
"Magsisimula na naman ba tayo, Apo?"
"Sinabi ko naman po sa inyo. Seryoso ako sa nararamdaman ko para sa babaeng gusto ko."
"Ano ngayon kung seryoso ka talaga? Paano ka nakakasigurado na seryoso talaga siya sayo?"
"Hindi niya na kailangang patunayan. Ramdam kong seryoso siya."
"Ramdam? Kalokohan. Tigilan mo na 'yang babaeng 'yan. Matutuloy ang kasalan sa pagitan niyo ni Tzuyu sa lalong madaling panahon."
"Lo, bakit po ba atat na atat kayong ipakasal ako?"
"Gusto ko lang naman makasiguradong magiging maayos ang buhay mo bago ako mawala sa mundong 'to."
"Maayos naman po ang buhay ko. Simula nang nakikala ko yung babaeng hinuhusgahan niyo, mas naging maayos ang buhay ko."
"Ano bang nagawa ng babaeng 'yon para sayo? Masama pa nga ata ang epekto sayo ng pagdating niya sa buhay mo. Nawawalan ka na ng respeto sakin na lolo mo."
![](https://img.wattpad.com/cover/243409578-288-k26511.jpg)
BINABASA MO ANG
Yours [SaiDa Fanfic]
Fanfiction[GenderBender Dahyun x Sana] Date Started : September 16, 2020 Date Ended : October 30, 2022