[Dahyun's Pov]
Kinabukasan, maaga akong nakapag-ayos ng sarili ko para sa pagpunta namin sa mansion ngayong araw.
Si Sana? Natutulog pa siya eh. Sa katunayan, nakaupo nga ako sa upuan sa gilid ng kama niya habang pinagmamasdan siyang matulog.
Anong oras kaya siya nakatulog? Kung papansinin yung mga nagkalat na damit niya sa pwesto niya, mukhang napuyat 'to.
Ang kulit eh. Sinabihan ko nang matulog na. Hindi pa rin ata nakinig. Oh, ngayon tutulog-tulog pa siya.
Iwan ko na lang kaya siya? Hmmm. Pwede rin naman kaso baka magalit 'to. Sayang naman ang effort niyang pagpapaganda.
Natatawa na lang ako. Ayaw niya pang aminin eh. Obvious naman na pinaghahandaan niya ang araw na 'to.
Kala mo namang isasama ko siya doon para ipakilalang girlfriend ko. As if namang gagawin ko 'yon.
Maya-maya, biglang may kumatok sa pinto. Bumungad sa harapan ko si Momo nang buksan ko ang pinto.
"Oh, Momo."
"Hi, Dayana. May gagawin ka ba ngayong araw sa paglabas nating lahat sa school?"
"Hmmm. Meron eh. May lakad kami ni Sana. Bakit mo natanong?"
"Ah. Ganun ba? Wala naman. Ingat kayo. Bye." Mabilis na sagot niya sabay lakad palayo nang may ngiti sa labi niya.
"Wait, Momo." Wala na akong nagawa kundi pagmasdan siyang lumakad palayo.
Papasok na sana ako ulit sa kwarto nang bigla akong tawagin ni Nayeon.
"Hoy!"
"Oh. Ano na namang problema mo, Nayeon?"
"Ready na ba kayo ni Sana?"
"Natutulog pa siya eh. Wait. Gigisingin ko na."
"Natutulog pa? Okay. Hayaan mo na munang matulog. Mamaya-maya na lang kayo pumunta sa mansion. Okay?"
"Bakit hindi pa ngayong umaga? Para naman mabilis kaming makaalis."
"Makaalis agad? Wala pa nga tayo doon."
"As if naman kasing gusto kong mag-stay doon."
"Basta mamaya-maya na kayong pa-tanghali pumunta doon. Alam na nila Mom na darating ka din doon. Nagre-ready pa sila ng pagkain."
"Pagkain? Huwag na kamo silang magpagod sa wala dahil aalis din naman kami agad ni Sana."
"Eto naman. Bakit mo nga pala naisipang isama si Sana sa mansion? Ipapakilala mo na kila Mom?"
"Anong ipapakilala?"
"Bilang girlfriend mo."
"The fvck?"
"Hindi ba? Akala ko 'yun yung reason kung bakit isasama mo siya."
"At bakit ko siya ipapakilalang girlfriend? Hindi ko naman girlfriend si Sana."
BINABASA MO ANG
Yours [SaiDa Fanfic]
Fanfiction[GenderBender Dahyun x Sana] Date Started : September 16, 2020 Date Ended : October 30, 2022
![Yours [SaiDa Fanfic]](https://img.wattpad.com/cover/243409578-64-k26511.jpg)